ARMIE POV
Tamad na tamad akong bumangon. Hindi kasi ako nakatulog kaagad kagabi ng ihatid ako ni Nav. Sobrang dameng gumugulo sa isip ko. Hindi na nga ata nawala yun simula ng bumalik ako.
Ako lang naman ang nagpapahirap sa sarili ko eh. May chance na kong sabihin ang totoo kay Nav kagabi pero bakit hindi ko pa ginawa?
Yun din kasi ang tanong ko sa sarili ko. bakit ko nga ba pinapatagal pa ang pagsabi ng katotoohan eh alam na halos ng lahat ang tungkol dun. di na yun tago sa pamilya at mga kaibgan ko. Ano pa nga ba ang inaantay ko?
Sa totoo lang hindi ko alam. kapag ganitong mag-isa akong nag-isip or kapag kausap ko ang pamilya at mga kaibigan ko ay ang daling sabihin "oo sasabihin ko na". pero kapag nasa harap ko na si Nav. Nawawala lahat ng rason ko. lagi kong sinasabi "sa susunod nalang"
Gumagawa kasi ako lagi ng delays. Imbis na kahapon, nirason ko ang sakit ng ulo at gutom. Imbis na kagabi nirason ko na meron naman ngayong araw dahil sabi niya pupunta siya ng bahay!
Ay shemay! kung pupunta siya ng bahay tapos andun ang mga kapatid ko. yare na!
kinalma ko ang sarili ko at nag-isip. nasa tama naman ang lahat. sasabihin ko na rin naman sa kanya mamaya so wala ng dapat pang ipangamba dun.
Hoooooo! kaya ko ba?
Dun lang umikot ang pag-iisip ko hanggang sa nagising na si Paige. tinulungan ko siya sa daily routines niya. Halatang nahihirapan siya dahil sa cast niya pero nakangiti pa rin. Ako daw ang pinaka-best na nurse sa buong mundo.
"gusto mo rin bang maging nurse in the future bebe girl?" tanong ko habang binibihisan ko siya.
"no mee. I want to be a doctor like dee" nakangiting sabi niya.
inirapan ko naman siya "sige magsama kayo ng tatay mo. puro ka na lang dee kanina ka pa dee ng dee. nagseselos na si mee" sabi ko naman.
mula kasi pag gising hinahanap na niya ang daddy niya. nasaan daw? kelan pupunta? anong ginagawa? puro na nga lang hula ang mga sagot ko sa kanya.
"mee gusto ko rin mag treat ng children gaya ni dee"
"bakit kaming mga nurse naman ang nag-aalaga sa may sakit ah" sagot ko naman.
"doctors naman ang nagpapagaling" hirit niya.
"tsss! mahirap mag-doctor" sabi ko.
"bakit nakaya ni dee? sabi mo nga mee nagmana ako kay dee kaya gusto ko din maging doctor"
"sakin ka naman nagmana ng kagandahan" sabi ko naman. nakita ko siyang sumimangot na parang ayaw pa ang sinabi ko. aba naman di mapagkakailang magkamukhang magkamukha kami. wag na siyang choosey dahil maganda naman ako.
"alam mo bang nurse din ang daddy mo" sabi ko sa kanya
"really?" halatang di siya naniniwala sa sinabi ko.
"yes he became a nurse first before becoming a doctor" sagot ko.
"totoo ba yan mommy?" nakasimangot na tanong niya. napapangiti ako kapag tinatawag niya kong mommy. kapag kasi mee lang ay parang hindi niya ko nanay eh. katunog kasi ng nickname ko ang tawag niya sakin.
"yes. kaya nga kami nagkakilala ng daddy mo eh"
"really?" masaya niyang tanong "classmates kayo?"
"no. schoolmates kami. same kami ng school ng daddy mo. nakilala ko siya nung-" ay hindi pala maganda ang unang pagkakakila namin. ninakawan niya ko ng halik noon at nasampal ko siya.
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romansa10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...