ARMIE POV
Gusto kong puntahan si Navi sa condo niya ang kaso ayaw naman niya. Kahapon ay hindi niya kami nabisita sa bahay dahil sa sama ng pakiramdam niya. Nag-aalala ako. gusto ko siyang alagaan. ano pa't naging nurse ako kung ang mahal ko ay hindi ko naman maalagaan. kaso ang tigas ng ulo ng pasyenteng yun. Ayaw niya akong mahawa sa sakit niya. wala nga akong pakialam ang kaso nabanggit niya si Paige na pwedeng mahawaan ko din. Mahirap na daw na mangyare yun dahil sa isang araw na ang birthday niya. Saka ko rin naisip na buntis pala ako. bawal sakin ang magkasakit ngayon.
Pati si Paige ay nag-aalala na rin sa kanya pero wala naman kaming magawa. Sinasabi ko na lang na kaya ng daddy niya ang sarili niya dahil doctor naman siya. Alam ko ang lame ng excuse ko pero wala naman ding magawa ang anak namin. Ayaw nga niyang tigilan kahapon ang pagkausap dito. kundi ko pa inawat dahil kailangan ng daddy niya ng pahinga ay hindi ito titigil.
Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Ang sarap isisi sa pagbubuntis ko ang mga nararamdaman ko pero alam ko nakokonsensya ako. nakokonsensya ako para kay Navi.
Tinawagan ko si Diane kagabi para kumustahin si Paul at para na rin makibalita sa nangyare kahapon. Ang sabi niya hindi daw tungkol sa mga Montemayor yun.
Pinapakwento ko sa kanya ang nangyare pero wala din daw siyang masyadong alam. Basta mabigat na kaso daw kasi ang hinahawakan nito na hindi pa tapos hanggang ngayon.
It deals with a teenager with a surname of San Juan. Gusto nga din niyang malaman ang tungkol dito, ang kaso delikado at confidential daw kaya ayaw sabihin ni Paul.
Natatakot siya na baka nasa likod ng mga Montemayor ang pamilyang ito. Pwedeng oo pwedeng hindi. Whatever it is nakakatakot din. kaya naman naiintindihan ko si Diane sa pasanin niya ngayon.
"mee i'm ready" napatingin ako sa anak ko na ready ng pumasok sa school.
"okay let's go?" tanong ko.
tumango naman siya at tsaka nagpuntang garden. Andun kasi ang lolo't lola niya. routine na bago pumasok ang magpapaalam sa mga ito kapag nasa bahay sila.
nauna na akong lumabas para maayos ang sasakyan. Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin si Paige.
"bebe girl ilalabas ko muna ang sasakyan" sabi ko sa kanya.
binuksan ni yaya ang gate at tsaka ako lumabas. nakaabang naman na ang anak ko kaya agad siyang sumakay.
Tahimik lang siya hanggang makarating kami sa school niya.
"bye bebe girl" ngiting paalam ko sa kanya.
humalik naman siya sakin "bye mee" paalam niya. "si dee ba may sakit pa rin?" tanong niya sakin bago buksan ang pinto ng sasakyan
"pupuntahan ni mommy ngayon si daddy okay?" ngiting sabi ko.
Hindi ko alam kung ano ng nangyare sa boyfriend kong yun . Hindi kasi ako nakareceived ng message or call sa kanya. kahit ang morning greet ko ay hindi rin niya nireplyan.
"sama ako mee" sabi ng anak ko.
"Paige may pasok ka" paalala ko.
Kita ko naman ang pagsimangot niya.
"bebe girl magagalit ang daddy kapag nag skip ka ng class. diba he said he's fine"
BINABASA MO ANG
UNBEARABLE Desire
Romance10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm falling in love with the same person. It's happening over and over again. Kailan ba ko matututo? Akala ko...