"Mahal mo naman ako diba? Pero bakit..", naluluhang tanong ni Angela nang makita ang kakaibang kislap sa mga mata ni Kenneth na ni minsan ay hindi niya hiniling na makita. She's hurting. Masyadong visible ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Kenneth. Alam niya na kagaya niya ay nasasaktan at nahihirapan din ito.
"Mahal kita Gel pero kailangan ako ni Eryel ngayon. Intindihin mo naman.", masuyong tugon ni Kenneth sa kanyang girlfriend.
Napatingin si Kenneth sa kanyang hawak na cellphone nang maramdaman ang pagvibrate nito. Puno na ito ng missed calls at texts na galing kay Eryel. Nagriring nanaman ito at pangalan ni Eryel ang caller id. Napapilantik siya sa isip niya. Tinignan niya si Angela bago sinagot ang tawag.
"Hello? Oo. I'm on my way.", sabi niya sa kabilang linya. Nang matapos ang tawag ay ibinulsa niya na ito.
Muli nyang tinignan si Angela na naghihintay sa kanyang magiging desisyon. Kinuha niya ang kamay nito at kinatagpo ang mga mata. "I'm sorry Gel. She really needs me. Please do understand. I love you.", sabi niya rito. Hinalikan niya si Angela sa noo bago naglakad papalayo.
"Sige. Iintindihin ko hangga't mahal mo ako.", bulong ni Angela habang inihahatid sa tingin ang papalayong si Kenneth kasabay ng pagpunas ng luhang kumawala sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Teen FictionFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...