Bahay ni Lolo
Isang pares ng mata ang diretsyong nakatingin sakin. Halo halong emosyon ang makikita sa mga mata niya. Galit, inis, lahat na ng sama ng loob sa mundo napunta na sa mukha niya. Sa buong buhay niya ngayon lang siya ginanito, ngayon lang siya naging ganito.
Hari kung ituring siya. Lahat sumasamba sa kanya. Walang nakakatakas sa mga kamay niya. Walang nakakatanggi. Kung anong gustuhin niya ay nakukuha niya. He got everything under his hands.
But now everything has changed.
"Dustin, the car is ready!"
Kumurap ang pares ng mata at nawala ang lahat ng emosyon sa mukha niya. Naging blanko at madilim.
I just proved that life is unfair. Matapos ibigay ang lahat, babawiin din. Ipapalasa sayo ang ginhawa pero sa bandang huli sasagarin din ang pagkuha sayo. Why did all these things happen to me? Pati ba naman tadhana naiinggit sakin kaya ba ganito nalang ang nangyari? This sucks. Big time.
Tinignan ko muli ang sarili ko salamin. Magulo ang buhok at kung tatanungin niyo, wala talaga akong balak ayusin. Puting tshirt at jeans. May konting galos sa taas ng kanang mata. At may benda sa kamay at paa. Now, this is me. Damn my life. Kung bakit ba naman hindi nalang ako tinuluyan.
I guess phone ko lang ang maidadala ko. I took one last look around. Basketball, gadgets, my room, my life. I'll be back. At pagbalik ko, babawiin ko lahat ng kinuha sakin. Magsisisi sila.
Umihip ang malamig na hangin. Tumaas ang balahibo ko sa batok pero pinagsawalang bahala ko lang. Nahulog ang bola mula sa kama ko. Napapikit ako sa inis. They are here... again.
The door suddenly opened with a loud crack. Dahan dahan akong lumingon at pagmulat na pagmulat ko bumungad sakin ang naiiyak na Dad ko. Tss. I rolled my eyes. Now what?
"Dad, you can't just barge into my room without even knocking!" I said irritated.
"Oh sorry. Nakalimutan ko ayaw mo pala ng ginugulat." He laughed. "Let's go?"
"May magagawa pa ba ako?" Huminga ako ng malalim bago sinundan na siya pababa. But before I even close the door I heard somebody calling out my name.
"Son, as much as possible please behave." Sabi niya pagkaandar ng sasakyan.
"I am." I snorted.
"You are." Sarcastic na sagot niya. "Ang sinasabi ko lang sana wag mong bigyan ng sakit sa ulo ang Lolo mo. Matanda na siya. Ayokong mapadali ang buhay niya."
"You should have thought about that before you decided to pull this ridiculous plan of yours."
"This is the best thing na naisip ko habang nagpapagaling at nagpapahinga ka."
"Do I look a terminally ill person suffering from a serious disease, moribund, at kailangan ko nang paghandaan ang nalalapit kong kamatayan sa gitna pa talaga ng gubat?"
Huminga siya ng malalim. "You know what I'm talking about, son. At hindi gubat ang bahay ng Lolo mo. Hindi mo na ba natatandaan?"
I bit my lip before answering. "No."
"Hindi mo na naaalala? E halos ayaw mo na ngang iwan---"
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...