And yet
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatayo sa harap niya. Kanina pa siya nakahiga sa kama at takip ng braso ang mga mata. Hindi ko alam kung paano siya lalapitan matapos ng nangyari kanina.
"Asha?"
Nagulat ako ng tawagin niya ang pangalan ko.
"B-Bakit?"
"Are you here?"
Agad na nag init ang mga mata ko. Dahan dahan akong tumango.
"Sorry." Nagpipigil na kinagat niya ang labi. "I'm sorry for not being able to see you." Kumuyom ang palad niya. "Fuck I couldn't even hear a single word from you."
Pumikit ako at pagmulat ay agad ko siyang niyakap. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Hindi naman mahalaga para sakin kung nakikita o naririnig mo ako. Sapat na ang nakikita at naririnig kita."
Pinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya at mas lalong sumiksik sa kanya. Naramdaman ko ang paninigas niya.
"I'm being serious here, Asha."
Humiwalay ako sa kanya at tumingala. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ha? Seryoso din naman ako."
Kita ko gamit ang ilaw sa labas na lumunok muna siya bago nagsalita. "I can't see you nor can hear you but I can definitely feel you." Inalis niya ang brasong nakatakip sa mga mata niya at tumingin sakin na para bang nakikita talaga niya ako. Seryosong nakatingin lang siya sakin. "Care to explain what in the world is your hand doing inside my shirt?"
"Eh?" Naguluhan pa ako nung una pero pagtingin ko, nanlaki ang mga mata ko. Agad na inalis ko kamay kong hindi ko napansing nasa loob na pala ng damit niya. "Ah, hihi. Ang lamig kasi..."
Tumaas ang gilid ng labi niya. "Stop molesting me, baby."
Ramdam ko mabilis na pag init ng mga pisngi ko. Hinampas ko ang tiyan niya. Bakit ang tigas?
"Grabe ka!" Bahagyang siyang tumawa. Bigla naman akong napaisip. "Pwede din. Hihi. Kaso sayang! Dapat pala nagpaturo muna ako sayo noon kung paano gumawa ng baby." Nguso ko.
Nawala ang ngisi niya at umiwas ng tingin. "Why do I have this feeling that you're thinking of doing something intense?"
HININTAY ko munang makatulog ng mahimbing si Anselmo bago ako bumaba ng kama at lumipat sa kabila kung nasaan ang lamesa niya. Umupo ako sa sahig at ipinatong ang ulo sa kama. Gusto ko lang siyang mapanood matulog ngayon katulad ng dati, nung bago palang ang lahat, dahil hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng pagkakataong ganito sa mga susunod na araw.
Nang papataas na ang araw, napagpasyahan kong pumunta ng hospital. Gusto ko siyang makita. Pero bago yun ay pinasadahan ko muna ng kamay ang buhok niya pababa sa pisngi niya. Pumikit ako at hinalikan siya sa noo.
"DOC, ang anak ko!"
Nagulat ako sa malakas na sigaw ni Mama mula sa loob ng kwarto. Dali daling pumasok ako at pumunta sa tabi niya na nakatayo sa dulo ng kama. Umiiyak siya habang nakakapit sa damit ni Papa.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...