Hold on
Nagtagal pa kami ng ilang minuto hanggang sa nasa kalahati na ang takipsilim. Lumalamig na ang hangin at unti unti nang natatabunan ng dilim ang paligid. Mabuti nalang may buwan na kahit papaano ay nagsisilbing liwanag sa amin.
Ngingiti ngiti pa rin ako hanggang sa bumaba na kami na puno---ay siya lang pala kasi pagpikit ko nasa lupa na ako samantalang siya---paglingon ko nawala ang ngiti ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko ng makita siyang tumalon mula sa taas ng puno.
"Anselmo!" Sigaw ko at napapikit ng mariin nang may marinig akong malakas na kalabog hudyat na may bumagsak sa lupa.
Agad na nagmulat ako ng tingin at hinanap siya. Tumambad sa harap ko ang mukha niya na kahit sa dilim ay alam kong may nilalabanang ngiti sa labi niya. Kung kanina tuwang tuwa ako sa ngiti niya, sa pagkakataong 'to hindi ko magawang ngumiti pabalik sa kanya.
"Pwede ba wag mo nang uulitin yun!" Inis na sabi ko ng makitang papalapit na siya. Kahit wala siyang kinakatakutan hindi niya dapat hinahamak ang sarili niya sa mga bagay na ikakapahamak niya. Tao siya, hindi siya spiritong kagaya ko para tumalon mula sa langit na para bang siya ang Poong lumikha.
Tinitigan niya akong mabuti at mas lalong lumaki ang ngiti niya na para bang tuwang tuwa sa nakikita niya. Mas nainis pa ako.
Napahinto ako. At napalitan ng gulat ang inis ko.
Inis.
Naiinis ako? Ito ang unang beses mula nang magising ako na nakaramdam ako ng ganito.
Hindi ko na namalayan na nakalapit na siya sakin at may pinatong sa ulo ko. Tinaas ko ang tingin at nakitang sombrero ang isinuot niya sakin. Sombrero. Hinawakan ko yun at kinapa ang likod na bahagi nito kung tama ba ang hinala ko. At nang mahaplos ko ang burda napagtanto kong ito yung naiwan niya sa gubat noon at kinagat ni Ruru.
"Huh? Saan mo ito nakuha? Hawak mo ba 'to kanina? Bakit hindi ko nakita?" Dirediretsong tanong ko.
"Dahil hindi mo nakita." Simpleng sabi niya.
Takang tinignan ko siya. "Bakit mo sinuot sakin?"
"Sayo na."
"Bakit?"
"I just want to."
"Talaga? Dahil? Para saan?"
"I don't want myself getting infected with you and your dog's disease."
"Bakit hindi mo nalang itapon?"
Nawala na ang ngiti niya at nagsimula nang mairita. Nakakatuwa.
"Bakit ba ang dami mong tanong?"
"Bakit hindi mo nalang sagutin?"
"Bakit hindi ka nalang tumahimik?" Sabay alis ng tingin sakin.
Lumapit ako sa kanya at tinagilid ang ulo ko. "Bakit ka nag iiwas ng tingin?"
Hindi siya sumagot. Sa halip ay dumiretso na sa bisikleta niya. Sumunod ako at kinulit siya.
"Bakit ka umalis?"
"Bakit hindi ka nalang sumakay?" Hindi pa rin makatinging sabi niya sakin.
Tinignan ko ang paligid. "Saan?"
"Sa dahon. Tignan natin kung malipad ka niyan pauwi sa bahay. Psh" Nanunuya na sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...