Haunt you till dawn
Sumilay ang ngiti sa labi ko. Nawala lahat ng pag aalinlangan ko. Para akong nabuhay sa pangalawang pagkakataon ng makompirmang tama nga, tama ako. Nakikita niya ako.
Nakikita niya ako!
Bubuka na sana ang bibig ko ng magtaas siya ng isang kamay at iniharap sakin na para bang pinapahinto ako kahit na hindi pa naman ako nagsisimula.
"You know what? Just shut the fuck up and get your ass out of my bed!" Sigaw niya na nagpataranta sakin. Dali dali akong umalis ng kama niya at tumungo sa tabi niya.
Bago pa ako makarating sa tabi niya siya naman ang umalis at humiga ulit sa kama. Tinalikuran ako.
"Kailangan ko ng tulong--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit na naman siya.
"Save it. I'm not interested."
Hindi siya interesado? Hala hindi pwede yun. Dapat magkainterest siya sakin.
Kumunot ang noo ko. Bakit parang may mali sa sinabi ko? Akala ko okay na ang lahat kapag nalaman kong nakikita niya ako. Pero mas mahirap pa pala ngayon ang sitwasyon. Hindi niya man lang ako binibigyan ng pagkakataong magsalita! Ano ba yan. Bakit ba siya nagmamadaling matulog? Ano bang hinahabol niya? Siguro nagagalit na naman siya sa panahinip niya kaya maging sakin galit na rin siya.
Mabuti nalang hindi ko nakalimutang makaintindi at umintindi. Dahil kung sakali man, malamang lumalangoy na ako ngayon sa dugo galing sa ilong ko sa alien na salita ng lalaking ito. Isama mo pang sa tuwing bumubuka ang bibig niya may kasamang mura na walang panama ang chicharon na palaging kinakain ni Manang Nena. Gusto ko ngang itanong kung naliligo ba siya ng mantika at palaging mainit ang ulo niya.
Lumipat ako sa katabi niya kung saan siya nakaharap. "Kailangan mong makinig sakin. Kailangan ko ang tulong mo."
Pagdating ko roon magsasalita na sana ako ng tumalikod na naman siya. Naman.
"Kung ayaw mong makinig bahala ka. Akala mo tatantanan kita? Huh! Kahit mabulok pa ang katawan ko sa lupa hinding hindi!" Bulong ko sa sarili ko ng lumipat ulit ako sa kabila. Tumalikod na naman siya. "Ano ba! Sabihin mo lang kung gusto mong makipaglaro. Ready na ready ako!" Ito pa ang kagandahan sa mga spirits. Hindi kami napapagod.
Lipat ulit ako. Tumalikod ulit siya. Lipat. Talikod. Ilang ulit na ganito ang eksena hanggang sa tumigil siya at humarap nalang sa dingding. Ha! Napagod na siguro.
"Pagod ka na no? Ayaw pa kasing makinig." Pumikit ako at pagbukas ko na ng mata nakaharap na ako sa kanya. Nakalutang ako pahiga habang nakatingin sa kanya. Nakapikit ang mga mata niya at kita naman sa mukha niya na wala siyang balak magmulat at makinig sakin. Hay. Paano ba ito?
"Okay, okay. Sa oras na pinakinggan mo lulubayan kita--" Sa pangalawang pagkakataon (at alam kong hindi pa ito ang huli) pinutol niya ako. Nagulat nalang ako ng bumukas ang mga mata niya at kunot noong tinignan ako.
"Hindi ka nakakatakot. Nakakasuka, oo." Walang emosyong sabi niya na nagpalumo sakin. Hindi ko naman siya tinatakot a! At aba hindi naman pala puro alien ang lumalabas sa bibig nito. Pinapahirapan pa ako.
Bumuntong hininga siya at tinitigan ako. Tinitigan ko rin siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa mga mata niya. Dumaan ang sampung segundo, dalawampung segundo hanggang sa sumakit na ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...