Supernaturally
Nang mahimasmasan ako ay tumayo na ako at nagpagpag ng damit. Sinilip ko ulit ang pinanggalingan ko saka umatras habang ang labas baka may makakita sakin. Natigil lang ako nang may maramdaman akong nabunggo sa likod ko. Dahan dahan kong nilingon at kulang nalang pumutok ako nang makita siya. Madilim ang paligid pero sigurado akong mas madilim ang mukha niya. Ni hindi ko na alam kung anong kinalabasan ng mukha ko pagkakita sa kanya.
"Anselmo..."
Pagkapasok sa sasakyan niya agad na nagkunwari akong humikab at pumikit. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makausap. Wag ngayon. Paulit ulit na sinasabi ko sa isip ko at nagkunwaring tulog hanggang sa maramdaman ko nang umandar na ang sasakyan.
"How did you get there?" Matigas na sabi niya na hindi ko naman sinagot. Tulog ako!
"Asha..." Tawag ulit niya pero hindi pa rin ako nagmulat.
Sa tala ng pagiging multo ko, ito na ata ang pinakamatagal na byaheng naranasan ko.
Nang tumigil na ang agad na nagmulat ako at wala nang bukas bukas ng pinto ay dumiretso na ako sa loob ng bahay. Tutal gabi naman na marahil tulog na yung mga kasambahay.
Pagkarating sa taas dun ko lang naisip na wala akong mapagtataguan. Dalawa sa isang linggo lang ako antukin at sa mga panahong yun nagigising nalang ako sa kama pero walang Anselmo na makikita. Hindi ko alam kung saan siya natutulog.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig na ang mga yabag ni Anselmo. Dali dali akong pumunta ng banyo at sinarado yun. Mukhang hindi lang ang byahe kanina ang magiging mahaba. Sana lang talaga hindi niya maisipang pumasok dito.
NANG marinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng kwarto, dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng banyo. Tumama agad sa mga mata ang liwanag. Hindi ko namalayang umaga na pala. Ilang oras ba akong nakahawak sa pinto at pinapakinggan ang bawat paghinga niya?
Kinagat ko ang hinlalaki at nag isip ng susunod na gagawin. Nakailang minuto na ako pero wala pa ring pumapasok sa isip ko. Naglakad ako patungo sa kama. Nahagip ng tingin ko ang telepono sa lamesa at parang dasal na dininig ng Diyos ang dalangin ko.
Kinuha ko muna sa bulsa ng damit ko ang papel na naglalaman ng adres nang pinuntahan ko kahapon. Sa likod nun ay may nakasulat na numero. Malamang kay Lora ito.
"Hello?" Sagot ng nasa kabilang linya matapos ang ilang ulit na subok ko. Garalgal ang boses niya kaya sigurado akong nagising ko siya.
"Lora? Si..." Hindi niya ako kilala bilang Asha. "P-Puti ito."
"Oh bakit? Teka kaninong number 'to? Bagong number mo ba?"
"Ha? Ah oo." Narinig ko ang pagkilos niya sa kama, marahil ay umayos ng upo.
"Hoy hindi ko pa nakakalimutan yung pag alis mo kahapon a. Pinag alala mo kami ni Hale."
Kinagat ko ang labi. "Ahm may naalala kasi akong pupuntahan nung araw na yun. Pasensya na."
"Next time magsabi ka ng maayos, okay? Hindi yung bigla ka nalang aalis. Akala namin kung anong nangyari na."
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
أدب المراهقينDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...