MGG 20

6.4K 304 102
                                    

Sa akin lang

Unti unting nawala ang ngiti ko ng mapansing ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa ring pagbabago ang mukha niya at nakatingin lang sakin na para bang isa akong magandang panaginip na hindi siya makapaniwalang nagkatawang tao sa lupa.

Kumurap kurap siya samantalang napanguso naman ako.

"Bakit? Para kang nakakita ng multo." Sabi ko nang hindi pa rin nilulubayan ang tingin niya, ang kulay abong mga mata niya na kahit sa dilim ay nananaig pa rin ang kislap niya. Ang sarap nitong pagmasdan. Minsan naisip ko, ano pa kaya ang nakikita niya gamit ang mga mata niya?

Hindi ko namalayang nakataas na pala ang kaliwang kamay niya at maharang inihaplos sa pisngi ko na para bang takot siyang mabasag ako sa oras na mahawakan niya ako. Tumibok ang puso ko habang nakatingin sa kanya. Gusto kong mapapikit sa lambot ng paghawak niya sa akin. Ilang araw ko ring hinanap ang init ng katawan niya.

Nagising ako sa realisasyon. Nanlalaki ang matang tinignan ko siya. "Nakikita mo na ako?"

Kita ko ang paglunok niya bago umuwang ang mga labi niya. "A-Are you for real?"

Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Kinausap niya ako, ibig sabihin.... Unti unting umusbong ngiti sa labi ko.

"Akala ko hindi mo na ako makikita!" Sa sobrang saya ko napayakap ako sa kanya. Nakikita niya na ako! Nahahawakan ko na rin siya! Bahagya akong lumayo para makita ang mukha niya nang mapansing para siyang naging bato nang yakapin ko. "Anselmo?" Hinawakan ko ang pisngi niya. "Anselmo, okay ka lang ba--ayy!"

Napatili ako ng bigla nalang umikot ang mundo ko at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa ilalim ng katawan niya, nakaharang ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko at hawak ang mga kamay ko. Gulat na napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Kung kanina ay tibok lang ang nararamdaman ko mula sa dibdib ko, ngayon ay kumakabog na ito na para bang handa nang kumawala ano mang oras ngayon.

Namutawi ang katahimikan sa kwarto at natatakot ako sa hindi malamang kadahilanan na baka marinig niya ang tumatambol na tahip mula sa dibdib ko.

"Hi..." Paanas na sabi niya.

Hindi agad ako nakapagsalita. Para akong nawawala sa mga mata niya. "Hi rin..."

Katahimikan muli ang bumalot samin at tanging tunog lang ng orasan ang maririnig. Matamang nakatingin lang siya sakin at ganun din ako nang magsalita siya muli.

"How? When did you get here? I thought..." Kinagat niya ang ibabang labi niya na para bang pinipigilan ang sarili sa dami pa niyang gustong sabihin pero minabuti nalang niyang wag ituloy.

Napatingin ako sa labi niya at may kung anong emosyong dumaan sa mga mata ko na dumaloy sa katawan ko ang hindi ko maipaliwanag. Kumurap ako at pinilig ang ulo. "Dalawang araw na akong nandito."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "How come? Bakit hindi kita nakikita?"

Yan din ang tanong ko sa sarili ko. "Hindi ko rin alam. Ilang ulit kitang sinubukang kausapin pero hindi mo ako naririnig, hindi rin kita mahawakan." Sa tuwing nagpaparamdam ako sa kanya, tanging hangin lang ang nagagawa ko. Sumisigaw na ako, kumakanta, pero hindi pa rin nito maabot ang pandinig niya. Si Ruru nga lang nakakausap ko e.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon