Mahabaging langit
Hmm.
Nakatayo ako sa gilid ng kama habang nakahawak pa sa baba. Lumipat ako ng pwesto sa kabila. Hindi ako nakuntento at pumunta ako sa paanan. Bumalik ulit ako sa dating pwesto. Yumuko at tumitig. Naningkit ang mga mata ko.
Bakit ganun? Kahit anong anggulo wala akonh pangit na nakikita sa kanya? Mapakanan, kaliwa, baba, taas, mula hilaga, silangan, timog, kanluran, lahat na ng direksyon tinignan ko pero wala talaga akong mahagilap na hindi bagay sa kanya.
Napahawak ako sa baba ko at tinitigan siyang muli ng mas malalim at mas detalyado. Ramdam ko ang init mula sa kanya.
Ang himbing ng tulog niya. Ibang iba ang mukha sa tuwing gising na siya. Para siyang anghel na nakapikit lang ang mata at nananaginip ng mga makukulay na bagay. Samantalang kapag gising na akala mo kung siya ang pumalit kay Manong Tagasundo.
Ang kinis ng kutis niya. Walang kahit anong marka ng kapangitan maliban sa galos na nasa taas ng isang kilay niya. Mahahaba ang pilikmata niya, bagay sa ngayo'y natatakpan ng takulap niyang kulay itim na mga mata at sa makapal at mahugis na mga kilay niya. Matulis ang ilong niya na nagdala upang mapansin ang mga pisngi niyang perpekto ang kurba. Manipis ang hindi kapulaang labi niya at para bang may nagyayaya saking ilapit pa lalo ang mukha ko sa kanya. Ang lambot siguro ng mukha. Kahit hindi ko maalala ang nakaraan ko alam kong hindi pa ako nakakakita ng kasing kisig ng lalaking ito.
Bakit parang nangangati tong kamay ko na hawakan ang mukha?
At eto nga't kasasabi ko palang ay hindi ko namalayang nakataas na pala ang kanang kamay ko at papalapit na iyon sa mukha ng nilalang na nasa harap ko. Anong? Kahit walang tibok ang puso ko parang may kumukurot dito na hindi ko maintindihan.
Dahan dahan.
Nang bigla nalang nagmulat ang mga mata niya. Para akong naestatwa habang nakatingin sa itim na mga mata niya. Nanlalaki ang mga mata niya at siguradong ganun din ako sa kanya. Idagdag mo pa ang posisyon ko at ang kamay kong malapit nang dumampi sa pisngi niya. Kung may dugo lang ako siguradong tumaas na lahat ng yun sa mukha ko!
Agad na lumayo ako sa kanya ng nakataas pa ang dalawang kamay na parang nagsusurrender sa nagawang karumal dumal. Nakakahiya! Mabuti nalang talaga hindi niya ako nakikita!
Nanlalaki pa rin ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Hindi pa rin umiiwas ang isa sa amin.
Teka. Nakikita ba niya ako?
Kumurap kurap siya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko at bigla nalang siyang marahang pumikit na parang naalimpungatan lang at hindi ako nakita. Naningkit ang mga mata ko.
Hindi niya ba talaga ako nakikita? Baka nga nananaginip lang o kaya naman nabangunot kaya ganun nalang ang gulat niya ng magising. Pero kasi...iba e. Para bang may nagsasabi sakin na wag siyang sukuan.
Dalawang araw na simula ng dumating siya. Dalawang araw ko na rin siyang tinititigan--ang ibig kong sabihin pinagmamasdan--iniimbestigahan. Yan nakuha ko rin ang tamang salita. Mula umaga hanggang gabi, nakatingin lang ako sa kanya. Minamanmanan kung nararamdaman niya ba ako. Pero syempre maliban nalang sa mga oras na nagugutom ako at bumababa para kumain ng mga inialay ni Lolo.
Iniimbestigahan ko siya dahil kung sakali man ay siya lang ang makakatulong sakin para manahimik na sa mundong ito. Bukod pa dun ay--may bumalot na mainit sa puso ko--hindi ko na alam. Kaya kahit sa pagtulog--hindi naman ako natutulog kaya ayos lang--titig na titig pa rin ako sa kanya. Wala naman sakin yun. Nag eenjoy pa nga ako e. Kung bakit? Kasi naman iisa lang ang ekspresyon niya ng mukha. Blanko. Ngayon lang ako nakakita ng taong ganun. Nabaling ang atensyon ko muli sa kanya ng gumalaw siya at nilipat sa kabilang dako ang tingin niya. Tinalikuran ako.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...