MGG 15

5.9K 278 52
                                    

I'm Here

Tirik na ang araw sa kalangitan ay hindi pa rin siya bumabangon. Nakatanaw lang ako sa kanya habang nakaupo ako sa may bintana. Kinagabihan pagdating namin hindi na niya ako kinausap. Pinagpadasal lang niya ang pagkaing hinanda sa kanya ni Manang Maria bago inusod sakin at walang sabi sabing pumasok na sa banyo. Naiwan si Manang Maria na namumutla sa harap ko habang nakatingin sa direksyon ko. Nagtaka pa ako sa kanya lalo na nang kumaripas siya palabas ng takbo. Pinagkibit balikat ko nalang.

Inabot ng mahigit kalahating oras sa loob ng banyo si Anselmo, nauna pang naubos ni Ruru yung kalahating manok na bigay sa kanya bago siya lumabas. Tatanungin ko pa sana siya kung kakain pa siya pero pagbukas niya ng banyo nakadamit na siya at dali daling dumiretso sa kama at nagtalukbong ng kumot. Tumalikod pa sa kinatatayuan ko. Inisip ko nalang na baka napagod siya at ayaw niya pakaistorbo.

Habang nakatingin sa kanya pansin ko nga na hindi pa siya nagpapalit ng anumang pwesto sa pagtulog ni daliri ng paa niya hindi ko man lang naaninag na gumalaw mula pa kagabi. Ang haba naman ng tulog nito? Hindi ba siya nangangalay?

Napagdesisyonan kong lumapit na sa kanya. Inilapag ko muna ang sumbrero sa mesa niya bago ako tumapat sa kung saan siya nakaharap.

"An--" Tatawagin ko na sana siya nang maputol ang sasabihin ko gawa ng malakas na kalabog mula sa pinto. Napatingin agad ako run at bumalagta sakin ang pamilyar na mukha ng isang may edad na lalaki pero hindi kasing tanda ni Lolo at mukhang pamilyar sakin.

"SON!" Matinis na sigaw nito bago nagtatakbong lumapit sa nakatalukbong sa kama at niyakap ito ng mahigpit.

Pinaningkitan ko siya ng mata at tinitigan ng mabuti. Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon. Siya yung nakita ko noon na kasamang dumating ni Anselmo rito sa bahay. At tinawag niyang 'son' si Anselmo... ibig sabihin ito ang ama niya! Nakasuot siya ng puting polo na nakalislis ang manggas hanggang siko at itim na maluwag na pantalon.

Lumipad ang nakatabing na kumot kay Anselmo at bumungad ang mukha nitong seryoso at nag isang linya na mga labi. Sobrang talim ng tingin nito sa ama na para bang mawawala ito sa harap sa pinupukol na tingin niya pero parang wala lang naman ito sa ama niya dahil imbes na matakot ay masayang niyakap pa siya nito.

"I missed you, anak!"

Napahagikgik ako ng makitang napangiwi si Anselmo. "Get the fuck off me, Dad."

Lumayo ang ama niya at parang batang ngumuso at sumimangot. "Good morning too, son. Language please. Baka isipin ng Lolo mo hindi kita tinuturan ng magandang asal at tanging gandang lalaki lang ang alam kong ipamana sayo."

Umirap sa kawalan si Anselmo at sandaling nagtama ang mga mata namin. Ngingitian ko sana siya nang bigla nalang siyang mag iwas ng tingin at hindi na ako pinansin. May kung anong dumagan sa loob ko. Siguro hindi lang niya ako nakita o kaya naman hindi maganda ang gising niya.

"Why are you here?" Malamig na tanong ni Anselmo nang makasandal siya sa sandalan ng kama.

Ngumiti ang ama niya at may iniabot na papel sa kanya. "It's a letter given by the university, annulling your two months abeyance and granting you to go back to school next week, 28th of January, five days from now."

Napahinto ako sa narinig. Mas lalong bumigat ang dumagan sa dibdib ko at para itong naninikip. Natatandaan ko pa ang tawag na natanggap niya noong nasa sementeryo kami galing sa ama niya. Ito ba ang tungkol dun? Aalis na siya?

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon