MGG 27

4.4K 233 68
                                    

Walang ibang pupuntahan

Napakurap ako ng dalawang beses. "Kahit na magulo ako?"

Tumaas ang gilid ng labi niya sa kabila ng seryosong mukha niya at tumango.

"Kahit na puro sakit lang ako sa ulo? Kahit na hindi ako nakikita ng mga kaibigan mo?"

Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako para kasing may nakita akong mabilis na dumaan sa mga mata niya ng mabanggit ko ang hindi ako nakikita bago siya ngumiti ng mas malapad kaysa kanina. Binalewala ko nalang at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.

"Gusto mo talaga na dito lang ako?" Hindi matago sa boses ko ang tuwa. "Talaga?"

"Aw!" Sapo ko sa noo ko ng pitikin niya ito ng walang pasabi. Lumabi ako pero hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi ko.

Bahagyang natawa siya at sabi, "Silly. Ghosts are incapable of feeling any kind of pain. I have read it over the internet. Though your acting skills are quite moving. I almost believe you."

Tama siya, hindi ako nakakaramdam ng sakit pero ewan ko ba kung bakit naramdaman ko ang pitik niya sa noo ko.

Hindi na sana ako sasagot pa nang maalala ko ang ang sinasabi niya kanina. Mas lalo akong lumabi.

"Naman e. Asha. A-S-H-A ang pangalan ko hindi Silly!"

Napuno ng tawa ang sala mula sa kanya. Hawak pa niya ang tiyan at tatango tangong sabi. "Yeah, yeah pft."

"Ikaw ha. Pansin ko palagi mo akong tinatawag sa kung anu ano samantalang ako hindi ko nakakalimutang baby ang tawag ko sayo."

Mas lalong lumakasang tawa niya. Nakita ko pa nga yung isang kasambahay na sumisilip na mula sa kusina. Napansin ata niya ang tingin ko kaya napatingin din siya.

"Come on. Let's eat." Sabay hawak niya sa kamay ko. Ngumuso ako at hindi tumayo.

"Nagpabili pa naman ako ng tatlong stick ng cotton candy at dalawang box ng Maltesers."

Agad na nagningning ang mga mata ko pero mabilis ko ring itago ng maalala kung anong ginagawa ko. Hindi pa pwede. Umiwas ako ng tingin at sumimangot.

Mula sa gilid ay sinilip ko siya. Nakangiti siyang tinitignan ang asal ko at bumuntong hininga na para bang nakuha kung anong gusto ko. "Let's go....Asha."

Pagkarinig na pagkarinig ng pangalan ko ay tumayo na ako at tumakbo patungong kusina. Nakangiting nilingon ko siya. "Lika na! Nagugutom na ako. Hihi."

"NASAAN ba kasi si Ethan?!"

Muntik na akong tumakbo at magtago sa likod ni Anselmo sa lakas ng sigaw ni Coach (yun ang tawag nila sa kanya kaya siguro yun ang pangalan niya). Kanina pa nakasalubong ang mga kilay niya at kulang nalang ay pumutok ang makintab niyang ulo.

"Reflecting?" Pigil na tawa ni Ace na natigil sa pagsiko ni Camisole.

"Shut up."

"What's wrong with him? He's suppose to be here, leading the team!" Patuloy ni Coach. Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim at pumito. "Let's not wait for him! Gears on!"

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon