Boo
Kita ko kung paano tumulo pababa ang tubig mula sa buhok niya. Sabay na bumaba ang tingin namin sa katawan niya. Napalunok ako at mabilis na binalik muli ang tingin sa mukha niya. Tumaas ang isang kilay niya habang---nakatingin?---sa direksyon ko. Kahit wala naman timbang ramdam ko kung gaano kabigat ang tingin niya. Tagos sa kaluluwa.
Nakikita nga niya ako?
Napapikit ako. Hingang malalim sabay buga kahit wala naman talagang hininga.
"Nakikita mo ako?" Tanong ko sa kanya ng nagmulat ako pero wala na siya sa harap ko. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto. Ay ang bastos!
Dumiretso ako sa pinto at sumunod sa kanya. Nanigas ako ng makitang tatanggalin na niya yung towel na nakabalot sa kalahati ng katawan niya. Makikita ko na naman ba? Makikita ko na naman? Kyaaaah!
Sa sobrang taranta napapikit nalang ako ng mariin at biglang naglaho sa harap niya. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na kinakapos ng hininga at hawak hawak pa ang dibdib sa gitna ng sala. Susmaryosep! Mamamatay ata ako sa pangalawang pagkakataon!
Umiling ako na para bang matatanggal nito ang imahe sa isip ko. Bakit ba ganito ang reaksyon ko e ahmm katawan lang naman yun. Katawan na hindi ko alam kung paanong ganun kaganda ang pagkakahulma at kahit na titigan mo lang ay alam mong matigas talaga ito. Napalunok ako kasabay ng pag init ng mukha ko.
Ano ba itong pinag iisip ko? Siguro... siguro na--ahmm nagugutom lang ako. Oo, tama! Nagugutom lang ako!
Bababa na sana ako ng makita ko ang dalawang kasambahay na papaakyat na ng hagdan habang hawak ang tag isang tray na puno ng pagkain at inumin. Kumalam ang sikmura ko. Hindi pa sila nakakataas ay naririnig ko na ang usapan nila.
"Nena, anong gagawin ko?" Problemadong sabi ng isa sa kanila. Si Manang Maria. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, sa tinagal tagal ko na rito, kilala ko na sila. Bata pa sila at parang ilang taon lang ang tanda nila sakin. Kahit hindi ko naman alam kung ilang taon na nga ako.
"Kalimutan mo na siya. Maghanap ka nalang ng iba. Wag na si Carding!" Sabi naman ni Manang Nena na para bang ang simple ng sagot.
"Alam mo namang siya lang ang gusto ko!" Nanlumo pa lalo ang mukha ni Manang Maria.
"Ano ngayon ang plano mo?"
"Kaya nga ako humihingi ng tulong sayo. Anong dapat kong gawin para mapansin niya ako?" Halos maiyak na.
"Ano nga ba? Aha! Bakit hindi mo subukang maghubad sa harap niya? Tignan lang natin kung hindi pa lumuwa ng mata nun."
"Nena!" Sigaw ni Manang Maria na tinawanan lang naman ni Manang Nena. Natigil sila sa pag uusap ng nakarating na sa tabi ko.
Kumatok si Manang Maria. "Ser? Ihahatid lang po namin ang pagkain niyo."
Walang sumagot. Napabuntong hininga silang dalawa. Ilang sandali pa bumukas ang pinto. Wala na ang ingay na nagmumula sa radio. Kulang nalang sumabog sa pula ang mga mukha nung dalawa. Maski ako napakurap kurap sa tumambad saming tatlo. Magulo ang buhok niya at may mga kaunting tumutulo pang tubig mula roon. Simpleng puting shirt at itim na shorts. Tumikhim siya. Umiwas ako ng tingin kahit hindi naman siya sakin nakatingin.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...