MGG 33

3.8K 217 64
                                    

Ako

"Bilisan niyo!" Sigaw ni Lancelot.

Hindi ko man ramdam, alam kong panay ang patak ng luha sa mga mata ko habang sinusundan ang tinutulak nilang katawan ni Anselmo papasok ng ambulansya.

Nagkakagulo na ang mga tao at marami nang nakapalibot sa pinangyarihan.

Gustuhin ko mang isigaw ang pangalan niya, alam kong hindi rin niya maririnig. Pilit ko mang abutin ang kamay niya, hindi ko magawa dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya na hindi naman ako nakikita. Kaya't ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang tignan siya at sundan kung saan man siya idadala.

LUMUHOD ako sa gilid niya at pinantayan ang mukha niya habang abala ang doktor at kasamahan niya sa paggamot sa kanya. Mula sa salamin ng pinto ay kita ko mga nag aalalang mga mukha nila Ace na katulad ko ay isang oras nang naghihintay. Binalik ko ang tingin kay Anselmo. Napahawak ako sa hinihigaan niya at napatitig sa sugat niya sa ulo at tagiliran niyang kulay lila na.

Kasalanan ko ito. Kasalanan ko.

Bumugso ang panibagong buhos ng luha sa mga mata ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari. Kung sana hinayaan ko nalang siya kaninang umaga na sumama, kung sana ako nalang ang tumakbo papunta sa kanya, kung sana... naitulak ko siya.

"Anselmo..."

Tinakip ko ang kamay sa mukha ko. Bakit?! Bakit hindi ko siya nagawang itulak kanina?! Para saan pa't nangako akong poprotektahan ko siya kung hindi ko rin naman pala kaya. Anong klaseng multo ako na ni simpleng bagay hindi ko man lang nagawa?

"Done."

Rinig kong sabi ng doktor kaya agad na napatingala ako. Kinakabahang nakatingin ako sa kanya at sa tatlo pa niyang kasama. Sinenyasan niya ang isa na tumango muna bago may kinuha mula sa likod.

"Vital signs are stable and within normal limits. The patient is conscious and comfortable. Indicators are excellent."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero nang tumango ang doktor at bahagyang ngumiti ay para akong inahon mula sa pagkakalunod. Nilingon ko si Anselmo.

"Okay ka na, hindi ba?" Kinagat ko ang labi para hindi tuluyang pumiyok ang boses ko.

"After finishing the stiches, transfer him to one of our private rooms. But continue monitoring the patient's condition as accurate as possible." Inalis na ng doktor ang gwantes sa kamay at ang nakatakip sa bibig niya. "And also schedule a CT scan when he's awake."

"Yes, Doc."

Nang paalis na ang doktor ay sinundan ko siya. Sigurado akong ipapaliwanag niya ang kalagayan ni Anselmo kila Ace na nasa labas at gusto ko maintindihan kung maayos na nga ba si Anselmo.

Baka ako tumayo ay nilingon ko muna siya at hinaplos ang nahihimbing na mukha niya. "Babalik ako."

"Dad!"

Napalingon ako sa boses na tumawag pagkalabas namin. May nakaputing babaeng tumatakbo papunta sa direksyon namin. Balisa at mukhang nagmamadali ang bawat hakbang niya.

"VM, what happened?"

"She's having an unexplainable seizure!" Mabilis na sabi ng babae. Napatitig ako sa kanya. Parang nakita ko na siya. Pamilyar ang mukha niya.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon