Siya
Sinara ko ang pinto pagkasilip ko sa kwartong nasa may bandang dulo na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbubukas kahit tirik na ang araw. Hindi pa ba siya bumabangon?
Napanguso ako nang maalala ang nangyari kagabi. Hinabol ko siya at hinalughog sa buong bahay. Nakita ko siya sa dulong kwarto, nakabalot ng kumot. Hindi lang isa kung hindi dalawa. Sinabi ko sa kanyang tabi kami kaso panay ang hindi niya. Tinakot pa nga niya ako na kapag daw nagpumilit pa ako, kakainin niya ako. Wala na tuloy akong nagawa kung hindi ang lumipat ng kwarto. Mabuti nalang kasama ko si Ruru.
Umupo ako sa kama. Ano bang pwedeng gawin habang naghihintay sa kanya? Inilibot ko ang tingin sa kwarto nang mahagip ng mga mata ko ang isang librong dinadaganan ng mga papel sa ilalim ng mesa. Lumapit ako at kinuha. Pinadaanan ko ng haplos ang ibabaw nito.
Mula nang ibigay sakin ito ni Lora, ni masilip ang isang pahina nito hindi ko magawa. Para bang natakot na akong muling umasa dahil baka sa huli ay bumagsak lang din ako sa taas ng inaabot ko.
Umupo ako sa kama at bumuntong hininga, kumukuha ng tapang para harapin kung ano mang mga nakasulat dito. Kinakabahang binuksan ko ito.
Kumunot ang noo ko. Mabilis na nilipat ko ang pahina. Mas lalo akong naguluhan. Sunod sunod na binuklat ko bawat isa.
Walang laman.
Natigil ako sa paglipat ng may nahulog mula sa huling pahinang nilipat ko. Pinulot ko ito at tinignan.
Isang mukha ng babaeng nakaguhit gamit ang lapis. Kung pagmamasdan ito ay para bang ginuhit ito ng isang bata. Lukot na ang mga dulo nito at halatang luma na.
Anong ginagawa nito dito? Bakit ito lang ang laman ng libro ko? Sakin rin ba ito?
Iiipit ko na sana ulit ito nang maisipan kong tignan kung may nakasulat sa likod nito. Bumungad sakin ang isang adres. Ngunit hindi ito ang talagang nakakuha ng atensyon ko kung hindi ang nasa bandang baba nito kung saan may sulat kamay na nakaprinta.
Matutupad ko na ang pangako ko.
Anong ibig sabihin nito?
Bago ko pa man maiproseso ang nakasulat dito ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto mula sa labas.
Dali dali kong inipit muli ang papel sa libro at nagtungo na sa kabilang kwarto. Mamaya ko nalang isipin kung anong gagawin ko sa bagay na yun.
Sumilip ako sa loob at hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ko si Anselmo na nag bubutones ng damit sa harap ng salamin. Mukhang katatapos niyang maligo dahil may mumunting tubig na tumutulo pa sa magulong buhok niya.
Umuwang ang bibig ko nang suklayin niya gamit ang kamay ang buhok na nakaharang sa mukha niya. Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at napatitig sa kanya.
"Stop staring."
Napakurap kurap ako. Dun ko lang napansin na tumigil na siya sa pag aayos ng damit at nakatingin na sakin mula sa salamin.
"H-ha?" Umayos ako ng tayo at nagpakita na sa kanya.
"You're looking at me like you wanted to devour me."
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...