Pintig
"Stay right where you are!"
"Oh boy--NO!"
"Argh! Stop!"
"Damn this creature!"
Napapikit ako at tumawa ng makitang nagtalsikan ang tubig sa sahig at maging sa damit niya gawa ng pagtalon ni Ruru sa malaking puting banyera. Rinig ko ang masayang tahol ni Ruru habang panay mura naman yung isa.
Binuksan ko ang mga mata ko at sumalubong sakin ang nanlilisik na mata niya. Basa na ang kalahating damit niya at sa itsura niya para na siyang sumabak sa gyera. Mas lalo akong napahagikgik. Tumalon na naman pabalik si Ruru sa sahig dala ang mga bula galing sa tubig at tumakbo papunta sa direksyon ko saka nagpaikot ikot. Tuwang tuwa ako habang nakatingin sa kanya.
Binalik ko ang tingin kay Anselmo na inis na kinuha ang iskoba at nagtungo kung nasaan ako. Natakot pa ako para kay Ruru kasi pakiramdam ko mawawalan nalang siya ng malay sa dilim ng tingin ng papalapit sa kanya. Napangiti ako at muli kong naalala kung paano ko siya napapayag.
Pigil ang hininga namin habang hinihintay siyang pumasok sa banyo. Hindi pa nasinag ang araw ay nandito na kami sa likod ng pinto nagtatago ni Ruru. Mas lalo naming dinikit ang sarili namin sa pader para hindi kami mahalata nang marinig na namin ang mga yabag niya. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang ingay mula sa hakbang niya. Malapit na siya.
Ilang sandali pa naramdaman na namin ang pagpihit ng hawakan ng pinto. Unti unti itong bumukas at pumasok sa loob ang kagigising lang na rebulto ng hinihintay namin. Nakakunot ang noo niya na para bang hindi maganda ang gising. Napanguso ako nang makita kung paano bumakat sa suot niyang damit ang katawan niya nang pinaikot ikot niya ang balikat at maging ang ulo niya, nag uunat. Hindi ako makapaniwalang lumikha ang Diyos ng ganito kakisig na lalaki.
Umiling ako at tinuon ang pansin kay Ruru na naghihintay ng susunod na plano. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay tinanguhan ko agad niya. Pumunta si Anselmo sa may likod ng puting kurtina at narinig kong nagbukas siya ng tubig bago bumalik sa harap ng salamin. Hindi pa rin kami napapansin.
Pumikit ako at pagmulat ko ay nasa likod na niya ako.
Nagsisipilyo siya ng makita ako at kulang nalang malunok niya ang tubig sa bunganga niya sa gulat. Inis na iniluwa niya ang tubig bago bumaling sakin. Nginitian ko siya na kinasingkit niya.
"Magandang umaga!"
"Anong ginagawa mo dito? I told you, rule number one!" Mas lalong lumaki ang ngiti ko pero agad din namang nawala ng magsalita ulit siya. Nanlaki ang mga mata ko. "Tell me honestly, binobosohan mo ba ako?"
"Ha? Hindi, ah!"
Bago pa siya makapagsalita ulit narinig na namin ang isang malakas na pagdampisaw sa tubig. Tinignan ko siya at alam kong base sa itsura niya alam na niya kung anong nangyayari.
Agad niyang hinawi ang kurtina at tumambad samin ang naglalarong Ruru na panay ang pagpag ng paa. Tumingin siya sakin at sinamaan ako ng tingin. Nagulat ako ng magmartsa siya palabas ng pinto.
"Ruru! Salakay!" Sigaw ko at mabilis na umahon si Ruru mula sa malaking banyera at tumakbo papuntang pinto. Saktong pipihitin na sana ni Anselmo ang hawakan ng ihirang ni Ruru ang sarili niya. Napaatras siya sa gulat.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...