Master's kiss
Naalimpungatan ako sa mumunting kahol na nanggagaling sa gilid ko. Namumungay ang mga mata kong sinalubong ang mataas na na sikat ng araw at pilit na bumangon kahit na gusto ko pang iyakap ang sarili ko sa puting kumot na nakabalot sakin.
"Arf!"
Napatingin ako sa baba ng kama at nakita si Ruru na nakaupo habang nakatingin sakin na para bang kanina pa hinihintay ang pagbangon ko.
"Magandang umaga, Ruru!" Bati ko na nagpatigil sakin. Kinurap kurap ko ang mga mata ko at agad binalingan kung nasaan ako.
Bakit ako nasa kama niya? Ang huling naalala ko kagabi ay naglalaro pa kami ni Ruru habang si Anselmo ay may kung anong sinusulat sa lamesa niya kaharap ang kung anu anong aparatos.
Kinapa kapa ko ang mukha ko. May kaunting basa pa akong naramdaman sa may bibig ko. Nakatulog na naman ba ako?
Muli kong binalingan si Ruru. "Nakita mo ba si Anselmo?"
"Arf!" Tahol niya bago yumuko na para bang may nginunguso.
"Ano yan?" Bumaba ako sa kama at umupo sa harap niya. Isang pirasong papel ang nakatupi sa sahig.
"Arf!"
Pinulot ko ito at binuklat. Base sa sulat kamay nito at sa pagkakaalala ko (noong panahong nililista niya ang mga bawal kong gawin), kay Anselmo ito galing.
I have gone to school. Eat up then play with Ruru. Don't go anywhere. I'll head home soon.
- A
Napansin ko ngang may pagkaing nakalapag sa mesa malapit sa kama. Tinapat ko ang papel sa dibdib ko. Kahit na nalungkot akong wala na siya sa bahay, napangiti pa rin ako kapag iniisip ko ang mukha niyang nakakunot ang noo habang seryosong nagsusulat nito.
Ginulo ko ang buhok ni Ruru bago tumayo at nagpunta ang banyo para manalamin. Katulad ng dati ay magulo pa rin ang buhok ko, dumoble pa ngayon dahil sa bagong gising ako. Gamit ang mga daliri ay sinuklay ito at hindi ko maiwasang padaanan ng haplos ang kumikinang na bagay na nakaipit sa buhok ko. Mas lalaong lumaki ang ngiti sa labi ko. Kahit hindi ko nakikita ang mukha ko pakiramdam ko ang ganda ko habang suot ito. Inayos ko rin ang medyo nagusot nang damit ko bago lumabas at kumain.
Bago kami naglaro ni Ruru tinignan ko muna ang oras. Maaga pa pala. Naglaro kami ng bola at naghabulan sa labas ni Ruru. Nang mapagod na siya tumaas na rin kami. Sakto namang pumasok ang isa sa mga kasambahay at kinuha si Ruru para paliguan.
Umupo ako sa kama at tinignan ang oras. Ano kayang magandang gawin? Nilibot ko ng tingin ang kwarto. Gusto ko sanang buksan yung tv kaso natatakot na ako. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Anselmo kagabi.
"Anong palang klaseng pelikula yung napanood ko sa kwarto mo?" Tanong ko sa kanya nang kumakain na kami ng gabihan.
Bigla nalang niyang naibuga yung kakasubo niyang pagkain at narinig ko ang pangalan nina Ace at Lancelot na para bang sinusumpa niya.
"Okay ka lang?"
Tumango siya bago uminom ng tubig. Hinintay ko siyang matapos at maging ang isasagot niya na napansin ata niya kaya napatingin siya sakin.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...