Shut up
Nakangusong nakatingin lang ako sa likod niya habang kasalukuyan siyang bumababa ng hagdan at sinusundan ko. Simpleng puting damit at maong na short ang suot siya, nasa bulsa ang dalawang kamay at kita ko pa ang ilang butik ng tubig na lumalandas sa leeg niya mula sa magulong buhok dahil sa bagong ligo siya. Hindi na siya nagsuot ng benda sa kamay kaya naman natanong ko kung maayos na ba siya pero imbes na sagutin, inirapan lang niya ako.
Hindi ko alam kung anong nangyari o kung may nagawa ba akong kinainis niya. Kahapon pa mula ng dumating kami galing sementeryo hindi na niya ako pinapansin at kinakausap. Kung may salita man na lumabas sa bibig niya, hindi umaabot yun ng tatlong salita at para lang yun patahimikin ako sa kakakulit sa kanya.
Dumako ang tingin ko sa binti niya. Hindi na siya nahihirapang maglakad kagaya ng nung una kong pansin sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya natatanong kung anong nangyari sa kanya. May hinala naman kasi ako na hindi rin niya sasabihin sakin kahit na maglupasay pa ako at tumirik sa harap niya.
"Ay!"
"Fuck!"
Napangiwi ako sa lutong ng mura niya. Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang pagsabog niya. At hindi naman ako nabigo.
"Papatayin mo ba ako?!" Sigaw niya. Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko ang paghati ng utak ko sa tulis ng tingin niya.
Sinilip ko siya gamit ang isang mata at binigyan ng maliit na ngiti. "Sorry."
"I could have died!"
"Grabe ka naman. Hindi ka naman naano, oh..." Tinuro ko pa ang paa niya na naapakan ko. Isa pa hindi ko naman hahayaan na mangyari yun.
Sinundan naman niya ang kamay ko bago ako tinignan ulit. "Ano ba kasing ginagawa mo at hindi mo pa matignan ng diretso yang dinaraanan mo?"
Kinagat ko ang pisngi ko at alanganing sumagot. "May ahm iniisip lang."
Sumingkit ang mga mata niya at nagsalubong ang dalawang kilay na para bang binabasa ang laman ng isip ko. "Pwede ba kung sino man yang iniisip mo tigilan mo! Malas yan kung sino man siya! Layuan mo at wag na wag mo nang lalapitan kahit kailan! Kapag hindi ka tinigilan balatan mo ng patay, durugin mo ng buo--wag kang magtitira--, ipagulong mo sa putikan, gawan mo ng bahay tapos sunugin mo, ibaon mo sa lupa hanggang ni espirito niya hindi na malanghap ng ibang tao saka mo ipagtirik ng kandila at--"
"Paano ko yan gagawin sayo?" Takang tanong ko ng hindi na matapos tapos ang litanya niya. Hindi ko naman siya pwedeng layuan at isa pa siya kaya ang pinakaswerteng nangyari sa tanang patay ko.
Natigil siya at hindi ko mawari kung anong klaseng tingin ang ginawad niya sakin. Mukha siyang nagulat, nakaawang pa ang bibig niya. Tinagilid ko naman ang ulo ko sa pagtataka at nag isip.
"Sabi mo bawal akong humindi sa mga utos mo, ibig sabihin lahat yan gagawin ko? Hmm..." Humawak ako sa baba at mas nilaliman ko pa ang pag intindi. Ilang sandali pa ngumiti at sumaludo sa kanya. "Okay! Mamayang gabi nalang!" Masayang sabi ko kahit na namomoblema na ako kung paano ko siya ipapagulong sa putik gayong hindi naman naulan, gagawa pa ako ng bahay kaya kailangan ko pang maghanap ng may ikatlong mata na karpintero, at heto pa! Ibabaon ko pa siya sa lupa! Paano ko naman kaya gagawin yun e wala pa siyang kabaong? Ni hindi ko nga alam kung saan maghuhukay kapag nagkataon. Wala naman kasi siyang sinabi, e. Hmp. Naman ih!
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...