MGG 34

3.6K 225 42
                                    

Right in front

"Señorita."

Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig si Kuya Fonso, inataasan ni Nanay na taga maneho ko.

Nakangiting inabot siya sakin ang isang pirasong papel.

"Ano ito?"

Kasabay nang pagsabi niya kung anong laman ng binigay niya ay nanlaki ang mga mata ko pagkakita ng nakasulat.

"Nahanap na po natin siya."

Kumawala ang isang malaking ngiti sa labi ko. Hindi ko napigilang magtatalon sa saya.

"Someone looks very happy. Don't you think, Hon?"

Napalingon ako sa boses na nasa likod ko. Naabutan ko silang pinapanood ako.

"Pa! Ma!"

Mabilis na lumapit ako sa kanila at niyakap sila sa sobrang saya ko. Inayos ni Papa ang buhok na nakaharang sa mukha ko pagkalayo ko.

Dalawang taon na rin mula nang makabalik ako at makasama sila matapos ang walong taon ko kasama nila Lola.

"May dapat rin ba kaming ikasaya?" Nakangiting tanong ni Mama.

Sa halip na sagutin sila ay ngumuso lang ako at sinikreto ang kung anong alam ko. Ayoko munang sabihin sa kanila dahil tiyak sila pa ang mauuna kaysa sakin.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay pabagsak na humiga ako sa kama. Kinuha ko ang papel mula sa bulsa at dinala sa dibdib ko.

"Sa wakas, matutupad ko na ang pangako ko sayo."

PAGMULAT palang ng mga mata ko (ni hindi ko nga alam kung natulog pa ako), naramdaman ko na na ang araw na ito ay isa mga umagang hinding hindi ko makakalimutan.

Masiglang bumangon ako at nag ayos. Nagpumilit pa ako kila Papa na maglalakad ako. Nang tinanong nila ako kung bakit ang sabi ko sayang yung ganda ng sikat ng araw. Pero ang totoo niyan gusto ko lang talagang damhin ang bawat hakbang na magagawa ko ngayong umaga dahil matapos ang ilang taon, kaunting hakbang nalang makakarating na ako sa kanya.

Nang malapit na ako sa eskwelahan ay hindi ko maiwasang isipin kung anong magiging reaksyon niya sa oras na nagpakilala ako, kapag sinabi ko na sa kanya na alam ko na kung nasaana ng nanay niya.

Natigil ako sa paglakad. Hindi dahil sa mga sasakyang mabilis ang takbo sa harap ko kung hindi dahil sa lalaking naglalakad ngayon sa kabilang dako.

Pansin ko ang dilim sa mukha niya, ang magulong buhok na ilang ulit pinadaanan ng kamay at ang mahigpit na pagkakakuyom ng mga palad niya. Pero ganun pama'y sumilay ang ngiti ko nang makitang huminto sa sa saktong katapat ng tatawiran ko.

Para bang pagkakataon talaga na agad huminto ang mga sasakyan ng tumawid na siya. Bumagal ang pagtakbo ng oras kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso ko nang ilang hakbang nalang ay mahahawakan ko na siya.

Pero mali ako.

Hindi pa pala oras.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon