Can you?
Dali dali ko siyang hinabol pababa ng hagdan matapos pagalit na binagsak ang mga dalang pagkain kanina. Naguguluhan ako sa inakto niya pagkatapos kong sabihin sa kanya ang mga unang nabasa ko sa libro.
"Anselmo!" Tawag ko sa kanya pagbaba na kinatigil naman niya at humarap sakin.
"That thing can't be trusted. Hindi natin alam kung ikaw nga ang nagsulat ng mga yun!" Umiigting ang panga niya habang sinasabi ang mga ito.
"Pero ikaw ang nagsabi na mararamdaman ko kung sa akin nga ito. Anselmo, naramd---"
"Don't you even tell a single word." Pigil niya sakin at mas lalong nagliyab ang apoy sa mga mata niya. "Hindi natin alam kung saan galing yan, kung sino ang nagbigay!"
"Bakit ka ba sumisigaw? Ano bang mali sa sinabi ko?"
Hinilamos niya ang mukha gamit ang kamay at iritadong sabi, "How could you believe everything that's written in that argh!"
Tinitigan ko ang galit niyang mukha at napailing. "Hindi kita maintindihan. Nang dahil sayo nagkaroon ako ng lakas ng loob para buksan ang bagay na ito." Siya ang nagbigay sakin ng rason para hanapin ang sarili ko. Siya ang palaging nandyan para suportahan at tulungan ako sa paghahanap ng kung sino ako. "Pero ngayon sinasabi mo bang wag kong paniwalaan ang mga posibilidad?"
Napatitig siya sakin sa sinabi ko. Unti unti siyang huminahon ngunit hindi pa rin naaalis ang bigat sa mga mata niya na nagpapasikip sa dibdib ko.
"Nagagalit ka ba?" Ano bang iniisip niya? Wala naman akong ibang intensyon kung hindi hanapin ako. "Gusto ko lang naman maniwala, gusto ko lang namang sumubok."
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit niyang ikinuyom. Muli kong tinaas ang tingin sa kanya at bumungad sakin ang nangungusap niyang mga mata.
"At ako, gusto mo na ding iwan?"
Napaamang ako sa sinabi niya. Para bang nalasahan ko ang pait sa bawat salitang lumabas sa bibig niya.
Umiling ako. "Hindi naman yun ang ibig kon--" Pero bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay tinalikuran na niya ako. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang panuorin siyang lumalampak sa sofa bago pinikit ng mariin ang mga mata.
SINUNDAN ko ang boses na narinig paglakad ko malapit sa kusina. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sofa at paggising ko nalang ay umaga na at wala na ang madilim na mukha ni Anselmo nakatulugan ko kagabi.
"Ano sumagot ka?!"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang iritableng boses ni Anselmo. Sino na namang kinakausap (inaaway) niya ng ganito kaaga?
"Hindi ka makapagsalita dahil tama ako, hindi ba?"
Lumapit pa ako at dahan dahang sumilip. Mas lalo akong naguluhan. Wala naman akong makitang kausap niya maliban sa isang tasang gatas ang nasa harap niya.
Sinasabi ko na nga ba. Hindi lang ako ang nakikita niya, maging ang ibang lumilipad na elemento tinutulungan niya.
"Mas gwapo pa sakin? Huh, napakaimposible. He doesn't even has the balls to find her. What kind of a man is he? Psh. Minamahal my ass."
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...