MGG 25

5.4K 250 101
                                    

Minamahal

"Asha..."

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng mahihinang tapik sa pisngi ko. Tinatawag niya ang pangalan ko sa isang napakapamilyar na boses.

Anselmo...

Pilit kong binubuksan ang mga mata ko pero mas lalo lang umikot ang mundo ko at naging malabo ang paningin ko. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at para bang may kung anong dumadagan sa dibdib ko.

"Asha..." Ang boses niya kasabay ng isang matinis natunog ang huling narinig ko bago tuluyang dumilim muli ang paligid ko.

PAGKASARA ko ng pinto ay tinungo ko na agad ang hagdan para hanapin si Anselmo. Wala akong matandaan kagabi maliban sa iba't ibang ilaw at ingay na pinuntahan namin hanggang sa hindi malinaw na pag uusap namin ni Anselmo sa loob ng sasakyan niya. Pagkatapos nun ay wala na, nagising nalang ako sa kama sa loob ng kwarto niya. Pilit ko mang alalahanin ay parang may burado nang memorya sa isip ko na hindi ko alam kung maibabalik pa.

Lumutang ako papunta sa kusina nang hindi ko nakita si Anselmo sa sala. Malayo palang ako ay naamoy ko na ang pabango niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ng makita siyang nakatalikod sakin at nakaharap sa lamesa habang nagtitimpla ng sa tingin ko ay gatas.

Balak ko sana siyang gulatin nang marinig ko ang seryosong boses niya na nakapagpatigil sakin.

"Do you remember what happened last night?"

Tumingin tingin ako sa paligid, nagtataka kung paano niya nalamang nandito ako sa likod niya. Gusto ko pa sana siyang tanungin pero mukhang hindi rin ako makakakuha ng sagot kaya umiling nalang ako.

"Wala akong matandaan--"

"Forget it." Putol niya sakin nang hindi pa rin tumitingin.

Lumakad ako palapit sa kanya at hinarap siya. "Ano bang---"

"I said forget it!"

Napalis ang ngiti ko sa nakuhang reaksyon mula sa kanya. Tinitigan ko ang mga mata niya at para bang nakita kong muli si Anselmo nang una ko siyang makilala.

"Anselmo..." Tanging lumabas sa bibig ko bago pa may bigla nalang pumasok sa kusina.

"Lovers' quarrel for breakfast." Pito ni Lancelot sabay tapik sa balikat ni Anselmo. Sa likod niya ay kasunod niya ang tatlo pa. Nagtatakang tinignan ko ang mga itsura nila.

"Hey, good morning." Nakangiting baling sakin ni Lancelot at kumaway pa. Halatang halata ang itim sa ilalim ng mga mata niya.

"Magandang umaga rin sa..." Nanlaki ang mga mata ko. Kasabay nun ay may humarang sa paningin ko dahilan para hindi ko sila makita.

Tinaas ko ang tingin at nakita si Anselmo.

"They can see you... again." Sabi niya sa paraang tanging ako lang ang nakakarinig.

"Paano?"

"Is there a problem?" Silip ni Lancelot na nagpagulat saming dalawa.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon