MGG 9

6.1K 269 54
                                    

Rules and regulations

Panay ang ngiti ko nang pabalik na kami sa bahay. Nangunguna siya sa paglakad kaya naman hindi niya napapansin ang dalawang kamay kong nakataas at litaw na hinlalaki tanda ng pagsasabi ko kay Ruru na ang galing namin. Ang totoo niyan kaya hindi talaga ako nagpakita sa kanya mula kagabi hanggang kanina ay para makapag isip ng plano. Nagalit ko siya kaya ayoko munang kinulit baka kasi hindi na talaga niya ako pagbigyan.

Kaya naman ng maramdaman ko siya sa gubat, nataranta ako. Hindi ako handa! Wala na akong nagawa kung hindi ang kumuha ako ng tubig sa may bukal kung nasaan ako at hinilamos sa mukha ko. Dali dali akong tumakbo sa malapit sa nilalakaran niya para marinig niya ako. Pag upo ko kinusot ko ang mga mata hanggang sa tingin ko ay namula na tapos kinurot kurot ko pa ang ilalim na parang kinagat ng insekto. Kahit pa suntukin ko ang sarili ko hindi naman ako masasaktan kaya kulang parang pinamahayan ng bubuyog ang nangyari sa mata ko. Ilang sandali pa inutusan ko si Rudu na tumahol. Saktong pagdating niya ay umatungal ako at tada! Nahulog siya maging sa pagdadrama ko! Hihi! Hindi ko naman alam na epektibo pala yun! Sabi ko naman sa inyo, e. Malaki talaga ang puso niya. Hindi niya lang pinapakita.

Bigla siyang huminto. Muntik na akong lumusot sa katawan niya mabuti nalang naagapan ko. Nagtatakang tinagilid ko ang ulo ko para tignan siya. Nasa harap na pala kami ng kwarto niya. Taas kilay na sinalubong niya ang tingin ko bago ito bumaba...kay Ruru na nakagat pa rin hanggang ngayon sa sumbrero. Pansin ko hindi kaya nangangalay panga nito? Napakamot ako sa ulo at nginitian siya.

"Hindi ba pwede?"

Lalong tumaas ang kilay niya.

"Tignan mo nga siya, oh... Kawawa naman." Nakayukong sabi ko habang nakanguso.

"They aren't human. Dogs are born to guard us. He should stay outside."

Mabilis na umiling ako. Sinabay ko pa ang pagwagayway ng kamay ko, nagsasabing wag. "Sa liit niyang yan? Baka umalis siya tapos mawala sa gubat tapos makita ng iba tapos kakainin nila siya." Nanlalaki ang mga mata kong sabi na kinasingkit naman ng tingin niya. "Kaya mo bang isipin na magiging pula ang puting balahibo niya? Sa gwapo ni Ruru wala silang ititira sa kanya. Tatanggalin nila yung nga ngipin niya, lalasugin nila yung mga laman niya tapos--"

"Sa sala, sa kusina, malaki ang bahay para sa kwarto ko mo pa siya patulugin."

"Hindi nga siya nalayo sakin. Baka hanapin niya ako at umiyak siya. Ikaw nga lang ang maliban sakin na gusto niya."

"Paano kung bigla siyang magkalat ng dumi sa loob? Mag ingay in the middle of the night? There's no way in this world I would let that happen!"

"Hindi niya gagawin yun! Pangako! Hindi ba, Ruru? Good boy ka naman, di ba?" Binaba ni Ruru ag kagat kagat niya at tumahol tahol ng mahina.

"What have I done to deserve this?"

"Ser?"

Napatingin kaming dalawa kay Manang Maria na kasalukuyang may hawak na isang malaking lagayan na puno ng pagkain sa may baba ng hagdan.

"M-may kausap po ba kayo?"

"No one." Matigas na rinig ko. Binalik ko ang tingin sa harap ko at napangiti ako ng inis na bumuntong hininga siya bago binuksan ang pinto. Sinamaan muna niya ako ng tingin saka pumasok. Yay!

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon