MGG 11

5.8K 245 59
                                    

One more week

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkatitigan nang maglakas loob akong dahan dahang itaas ang kaliwang kamay at inilapit sa mukha niya. Walang galang na pinindot ko ang pisngi niya na kinasingkit ng mga mata niya. Napasinghap ako, hindi makapaniwala. Hindi ako nakuntento at pinisil ko na ng tuluyan ang pisngi niya.

"Aw!"

Pinisil ko pa ulit.

Isa pa.

At isa pa.

At--

Hinuli niya ang kamay ko gamit ang may hawak kanina sa likod ng ulo ko.

"Ano ba! Bakit mo ba ako kinukurot?" Napansin kong namumula na ang pisngi niya. Mas nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Diyos ko. Posible po ba ito? Nananaginip ba ako ng gising? Kinurap kurap ko ang mga mata ko. Paanong...

Nahahawakan niya ako...

Nahahawakan ko siya!

Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko. Wala sa sariling hiniga ko ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam kong nanigas siya ginawa ko.

"A-anong ginagawa mo?" Pinikit ko lang ang mga mata ko at ninamnam ang kakaibang init na dala ng katawan niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Ang sarap pakinggan. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong ginhawa.

Nag init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Kung paano at sa anong nangyari wala na akong pakialam basta sobrang saya ko. Unti unting nabubuo ang pag asa sa loob ko. Kahit papaano pakiramdam ko buhay ako at nararanasan kong maging masaya bago ako pumanaw. Parang gusto ko nalang manatili dito at yakapin siya.

"Sariling sikap na aalis ka o itutulak kita?"

Napatingin ako sa kanya ng nakapatong pa rin ang baba ko sa dibdib niya. Para akong pinagdamutan ng araw at hangin ng mahabang panahon at ngayon ayokong makawala pa siya. Ngumuso ako at umiling.

"Ayaw." At para hindi niya ako mapaalis, niyakap ko ng tuluyan ang kamay ko sa bewang niya. Dito lang ako. Hmp.

Nagulat siya sa ginawa ko at sinamaan ako ng tingin. Tinagilid ko ang ulo ko at napansin ang pamumula ng magkabilang tenga niya. Sinubukan niya akong alisin pero mas hinigpitan ko lang ang kapit sa kanya.

"Ayaw sabi, e!" Pagmamaktol ko.

"Argh! Get off me!" Para nang sasabog sa pula nung mga tenga niya. Bakit kaya? Parang ang sarap kagatin. At hindi nga ako nakapagpigil. Tinaas ko ang sarili ko at hinawakan ang magkabilang tenga niya. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Iiih! Ang lambot tapos ang init ng balat niya! Gusto ko tuloy siyang ibaon sa lupa kasama ako!

Ibababa ko na sana ang ulo ko para kagatin siya ng bigla nalang siyang tumayo. At malamang sa malamang dahil hawak ko siya, kasama ako.

"Alam kong nakakaadik ang katawan ko but damn I didn't know spirits can be these pervert!" Asik niya. "Bitaw nga!"

Umiling ako ng umiling. Hindi ako bibitaw. Kahit na nang maglakad siya, kahit na magwala pa siya, kahit kaladkarin niya pa ako, kahit na kung ano pang gawin niya. A-yaw.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon