You can't leave
Naningkit ang mga mata niya ng lumutang ako pabalik sa dati kong tinatayuan sa gilid ng kama niya. Nakasandal siya sa ulunan ng kama at naniningkit na nakatingin sakin. Lumipat ulit ako sa kabilang gilid nang hindi binibitawan ang tingin sa kanya. Kanina ko pa pinipigilan ang ngumiti kahit na hirap na hirap na ako. Paano wala kaming ibang ginawa kung hindi pakatitigan ang isa't isa. Tumaas ang kilay niya at inirapan ako.
"What?" Tanong niya. Hindi ko na napigilan at humagikgik na ako bago huminto sa paanan niya.
"Anong pangalan ng ama mo?" Tanong ko pabalik. Narinig ko na noon kay Lolo at kahapon kay Kapitan kaso mukhang nabagok ata ang ulo ko at hirap akong makaalala.
Kumunot ang noo niya at matamang tinitigan ako na para bang hindi kanais nais ang sinabi ko. "Why are you asking?"
"Hindi ko lang kasi maalala."
Matagal bago siga sumagot. "Ricardo Augustin."
Hinawakan ko ang baba ko at nag isip. Sa pagkakatanda ko ang pangalan ni Lolo ay Romualdez tapos ang ama pala niya ay Ricardo. Kung ganun, "Bakit hindi Rico o kaya Reynaldo o kaya Rancho ang naging pangalan mo?"
"I was named after my mom."
"Hindi ba Elena ang pangalan ng ina mo?"
Bumuntong hininga siya bago ako sinagot. "Dahlia Elena Ybanez."
"Aah..." Tumango ako. Dahlia Elena. Hindi ko alam pero parang narinig ko na yun. Hmm. Hindi ko nga lang alam kung saan. At hindi ko rin alam kung dapat ba ako magtanong sa kanya nang tungkol sa ina niya. Baka kasi maghalo ang balat sa tinalupan kapag nagkataon kaya minabuti ko nalang na magtanong ng tungkol sa ama niya. "Bakit nga pala hindi dito nakatira ang ama mo?"
"Work."
"Anong trabaho niya?"
Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Kailan ka pa naging imbestigador? Ang dami mong tanong."
"Eeh sagutin mo nalang!" Para naman kahit papaano may babaunin ako.
"Businessman."
Tumango tango ulit ako. "Gusto mo ring maging katulad niya?"
"It's not like I have any other option. I'm the only son. It is a connotative responsibility to uphold whatever my father's legacy is."
Ibig sabihin kung bibigyan siya ng pagkakataon may gusto siyang gawin na kasalungat sa ginagawa niya ngayon?
"May iba ka bang gustong gawin?"
Nag iwas siya ng tingin. "Nothing."
Napanguso ako. Bakit ang gulo niya? "Kung ganun bakit parang napipilitan ka lang?"
Hindi niya ako sinagot kaya mas lalo akong napanguso. Damit. Hmp. Lumutang ako papunta sa gilid ng kama niya at umupo. Bukod sa hindi siya namamansin ng tao, ito ang isa pa na napansin ko simula ng dumating siya rito.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...