Mine
"Tulog na tayo?" Sabi ko nang makaupo na ako sa kama. Hindi pa rin mapalis sa labi ko ang ngiti ko mula kanina.
Umiwas siya ng tingin at lumiko papuntang gilid.
"Saan ka pupunta? Hindi ka pa ba matutulog?"
Lumapit siya sa aparador at may kung anong kinuha sa loob. Pagsara niya, nakita ko na siyang may hawak ng isang kumot at maliit na unan.
"Here." Ani niya paglapag sa sahig ng hawak niya.
Nagtatakang tinignan ko siya. "Anong gagawin mo dyan?"
"Sleep."
"Sa sahig?" Sa tuwing nakakatulog ako hindi ko alam kung saan siya humihiga. Paggising ko naman gising na siya. Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin... "Dyan ka ba palagi natutulog?"
"It's better this way."
Napatayo na ako at humarap na ng tuluyan sa kanya.
"Bakit hindi ka nalang dito? Maluwang naman itong kama. Kasya pa nga kahit isama pa natin si Ruru e."
"Not the best idea."
"Bakit naman?"
"Trust me."
Lumapit ako sa kanya at hihilain sana ang kamay niya nang pagdampi palang ng balat ko sa kanya ay para na siyang napaso at agad na lumayo sakin. Tinigilid ko ang ulo ko at hindi nalang pinansin.
"Kung gusto mo dito ka nalang, ako na dyan."
"No." Sabi niya nang hindi pa rin ako nililingon.
"Edi tabi nalang tayo." Ngiting ngiting suhestiyon ko na hindi niya pinansin. Sa halip ay humigana siya, tumalikod sakin at nagkumot.
Anong nangyari dito? Kanina akala ko kukunin na ako sa langit sa higpit ng yakap niya tapos ngayon hindi man lang matignan. Ngumuso ako. Siguro inaantok na talaga siya. Pero kasi naman bakit nasa sahig siya. Kahit malamig ako, ramdam ko ang lamig na dala ng sahig lalo na't hindi naman gawa sa kahoy ang kwarto niya. Kung ayaw niya sa kama, ako nalang susunod sa kanya.
Pumikit ako at pagmulat ng mga mata ko ay kaharap ko na ang magandang mukha ni Anselmo. Ang sarap talagang pagmasdan ng mukha niya lalo na kapag tulog kahit na nakakunot ang noo niya ngayon na para bang may malalim na iniisip.
"Hi." Bulong ko.
Napamulat siya agad at napaupo. "What are you doing here?"
"Nakahiga?"
Sumimangot siya bago sumeryoso ang mukha. "Asha."
"Matutulog." Umupo na rin ako gaya niya. "Ayaw mo kasi akong katabi e."
Pumikit siya at napahawak sa noo. "You don't understand."
"Ang alin?"
Huminga siya ng malalim bago nagmulat. "There are things a man and a woman can't do especially when there is ahm..." Umiwas na naman siya ng tingin."...something going on between them."
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...