Asha
"Aww!" Daing ko nang maramdamang may pumitik sa noo ko.
"Anong pang pinipikit pikit mo dyan?"
Napamulagat ako agad pagkarinig ng boses ni Anselmo. Nililislis niya ang manggas ng damit hanggang siko at kunot noong nakatingin sakin. Kumurap kurap ako.
"Ha?" Wala sa sariling sinabi ko bago nilibot ang tingin sa kung nasaan ako. Nakaupo pa rin ako sa lababo at mukhang katatapos lang niyang maghugas ng mga pinagkainan.
Napatingin ako sa kung saan iniligpit ang mga gamit. Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Ang pag uusap namin, ang pagtatanong ko sa kanya, ang hali--Diyos na mahabagin. Imahinasyon ko lang ba lahat ng iyon? Ramdam ko ang agad na pag iinit ng mukha ko.
Kinagat ko ang labi ko at nahihiyang binalik ang tingin kay Anselmo. Naabutan ko siyang nakatingin sa labi ko na agad naman niyang nilipat sa mga mata ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Mabuti nalang hindi niya nababasa kung anong nasa isip ko dahil kapag nagkataon hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ano bang sumanib sakin at lumipad sa ganung sitwasyon ang isip ko?
"Hindi ba may gusto kang puntahan?"
Biglang nablanko ang isip ko, hindi ko na matandaan kung anong mga pinagsasabi ko kanina kaya naman tumango nalang ako.
"Then let's go." At tinalikuran na ako.
Sumunod ako sa kanya at pilit na inaalala kung anong nabanggit ko. Hmm. Sa pagkakaalala ko wala naman akong sinabinng gusto kong puntahan maliban nalang nung nagtanong ako kanina kung pwede ba kaming pumunta--
Napahinto ako. "Anselmo..."
"Ayaw mo? O sige, hind--"
"Anong hindi ko gusto? Gustong gusto! Tara!" Halos hindi na magkamayaw sa tuwang sabi ko. Nawala na ang mga isipin ko kanina at ang nasa isip ko nalang ay lalabas kami at pupunta sa maraming tao! Hindi ako makapaniwala. At kahit na nakatalikod siya sakin alam kong nakataas ang gilid ng labi niya. Hindi na ako makapaghintay! "Oh saan ka pa pupunta?" Tanong ko ng hindi sa labas ng bahay ang diretso niya kung hindi ay paakyat ng hagdan.
"Gonna change my clothes. Sama ka?" Sabi niya ng hindi ako nililingon.
"Sige!" Tuwang tuwang sabi ko at sumunod na naman sa kanya. Huminto siya kaya naman naabutan ko siya. "Oh lika na. Hinintay mo pa ako."
Hindi maipinta ang mukhang tinignan niya ako. "Are you fucking serious?"
"Bakit?" Takang sabi ko. Bakit nagmumura na naman siya? Ano na namang ginawa ko? Ah! Alam ko na. Bakit hindi ko naisip yun? "Gusto mo ako na magbihis sayo?"
Nanlaki ang mga mata niya at sandaling napatitig sakin bago ginulo ang buhok. "Argh, this woman. Hintayin mo nalang ako sa baba."
"Bakit? Ayaw mo na?" Nalungkot naman ako.
Tumalikod siya sakin. Kita ko ang paghilamos niya ng mukha gamit ang kamay niya. "Jesus! Ano ba 'tong nasabi ko?"
"Ano yun?" Para kasing may sinasabi siya. Hindi ko naman narinig.
Nilingon niya ako pero hindi naman siya makatingin sakin. Namumula pa yung tenga niya. "Wala. Basta maghintay ka nalang sa baba."
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...