Tama ba?
"This is going to be our last practice. Come on."
Nilingon ko si Anselmo na palabas na ng pinto ng kwarto niya. Nakasuot siya ng puting polo at kulay itim na pantalon at bitbit ang isang malaking bag na naglalaman ng ilang mga damit niya pamalit sa ensayo nila mamaya.
"Hindi ako sasama ngayon." Hindi ako kumilos. Sa halip ay ngumiti lang ako habang tuwid na nakaupo sa kama.
Natigil siya sa paglakad, nagtaka siguro dahil ngayon lang ako umayaw na samahan siya, at nilingon ako ng nakakunot ang noo. "And why is that?"
Mas lalong lumaki ang ngiti ko ko at umiling. "Ayoko lang."
Naningkit ang mga mata niya. "You're not thinking of doing anything impulsive, right?"
Lumaki ang mga mata ko at tinuro ang sarili ko. "Huh? Ako? Wala ah." Kinaway kaway ko ang mga kamay ko. "Wala talaga. Uupo lang ako rito, kakausapin si Ruru..." Tinuro ko si Ruru na nakaupo rin kagaya ko sa sahig. "...hanggang sa dumating ka." Nanatili lang siyang nakatayo kaya hindi na ako nakapaghintay. "Hindi ka pa ba aalis?" Mas lalong naningkit ang mga mata niya pero hindi ko nalang pinansin. Tumayo na ako para itulak siya palayo sa kwarto. "Alis naaaa..."
Paglabas niya ay sinara ko agad ang pinto sa mukha niya. Tinapat ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan kung bumaba na siya ng hagdan.
Nang wala na akong marinig ay hinarap ko siya Ruru at humagikgik. "Wala na siya. Hihi."
"Arf!"
Lumakad ako papunta sa lamesa. "Nakita ko lang yun nung isang gabi e. Nasaan na ba yu--Hi!" Ngiti ko kay Anselmo pagkabukas ng pinto. Mabuti nalang mabilis akong napapikit nang makarinig ako ng yabag sa labas ng pinto. "May nakalimutan ka?"
Blanko ang ekspresyon ng mukha ng makita ko. "No, just checking."
"Sabi sayo dito lang ako e." Ngiti ko ulit. Huminga siya ng malalim at base sa ekspresyon ng mukha niya ay nakumbinsi ko na siya.
"If ever you're hungry, there's a roasted chicken in the microwave."
Para masiguro na wala na siya ay pumunta ako sa bintana at pinanuod ang pag alis ng sasakyan niya. "Bye, bye! Wag ka munang uuwi ha!"
Ilang araw na rin silang puro ensayo. Malaking okasyon daw kasi ang sasalihan nila kaya kailangang paghirapan. Nagtaka nga ako kung paano na yung mga klase niyang hindi napapasukan, ang sabi lang niya, "We're excuse since the team represents the school." Gusto ko rin sana siyang tanungin kung hindi ba siya napapagod sa araw araw na wala silang pahinga pero mukhang hindi na kailangan kasi sa tuwing nakikita ko ang mukha niya kapag naglalaro alam ko na ang sagot niya. Oo, nakakapagod pero masaya siya sa ginagawa niya.
Kaya naman ngayon gusto ko ring paghandaan ang magiging unang panalo nila.
"Arf!"
Napalingon ako kay Ruru na kagat kagat na ang gunting na hinahanap ko.
"Ruru, nakita mo! Ang galing mo naman." Lumapit ako sa kanya at hinamplos ang ulo niya. "Umpisahan na natin?"
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
JugendliteraturDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...