Soul's memories
"What are you talking about, Dad?" Kunot noong tanong ni Anselmo.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nagbibiro ba siya? Sinubukan kong ibukas ang bibig ko pero walang anong tunog na lumalabas.
"You don't have to find her. Nasa harap mo na siya."
"Stop kidding around. I don't see anything. She might still be possibly shocked of what happened. She needs me."
"Son..."
Hindi niya pinakinggan ang sinabi ng ama niya at dumiretso na sa pinto. "Not now, Dad."
"Dustin, makinig ka! I think your third eye has closed that's why you can't see her."
Natigil si Anselmo at gulat na nilingon ang ama. "W-What did you say?"
"You're my son. Alam ko lahat ng nangyayari sayo." Sabi nito na para bang sinagot na niya lahat ng katanungang nakahandang ibato sa kanya ni Anselmo.
"How much do you know?" Tuluyan nang humarap si Anselmo.
"Everything. I know every piece of it since the beginning."
Kumuyom ang palad niya. "Then why didn't you tell me that you knew something was going on?!"
Maging ako ay hindi na alam kung anong iisipin. Kung nakikita na niya ako noon pa, bakit hindi siya nagsalita?
"Hinihintay kong ikaw mismo ang magsabi sakin. I want you to depend on me even for once but you didn't!" Pabalik na sigaw nito.
Napasabunot si Anselmo sa buhok at iiling iling na sabi, "This is bullsht. I don't believe you." Akmang tatalikod na sana siya nang maestatwa siya sa sumunod na sinabi nito.
"She's wearing a white dress, isn't she?"
Napatingin ako sa ama ni Anselmo at nahugot ko ang hininga ko nang makitang nakatingin na siya sakin ngayon.
"And a white butterfly is clipped on her hair which you probably gave."
"H-How can you see her while I can't..." Pabulong na sabi ni Anselmo na hindi makapaniwala sa nangyayari.
""I, too, is gifted with this supernatural ability. In your case, I'm sorry, son, but it's maybe because of your recent accident."
Napatakip ako ng bibig kasabay ng pagbabadya ng panibagong mga luha. Napatingin ako kay Anselmo. Nasasalamin sa mga mata niya ang takot na nararamdaman ko.
"N-No." Iling niya.
Inilang hakbang ko ang pagitan namin at niyakap siya.
"This can't be happening." Rinig kong sabi niya at agad akong napaluha nang hindi niya sinuklian ang yakap na bigay ko.
"I'M SORRY, Iha."
Mula sa pagkakayakap ko sa mga yuhod ko ay napatingala ako sa taong nasa harap ko. Pinunasan ko ang basang mukha ko at pilit na ngumiti.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...