MGG 22

6.3K 281 219
                                    

Two deadly words

Nakatingin lang ako sa likod niya habang walang tigil siya sa pagkaladkad sakin. Nilingon ko ang pinanggalingan namin. Wala na ang mga kaibigan niya at tanging ang tatlong babae nalang ang nandoon at ilang nakatingin. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o nakita kong may pumatak na luha sa mata ng babaeng may pulang buhok.

Nasa may labas na kami nang bitawan niya ang kamay ko at dumiretso sa sasakyan niya. Hindi pa rin siya nagsasalita kahit na nakailang tanong na ako sa kanya kung bakit iniwan niya ang mga kaibigan niya kahit panay ang tawag sa pangalan niya kanina. Susunod na sana ako nang may marinig akong boses ng babae-ng mukhang kararating lang, sakay ng traysikel.

"Mahal kong kamahalaan, kararating ko lang." Sagot niya sa telepono habang nagbabayad. "Ano pa ba? Edi sinusundo ka. Ang aga mo kasing umalis ng bahay." Ngiting ngiting sabi habang pababa na. "Wala na akong klase--Oo na, oo na hindi na ako pumasok wala na namang ginagawa." Nag umpisa na siyang maglakad pero huminto rin. Sumimangot siya na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ng nasa kabilang linya. "Anong pang hinihintay mo dyan? Pumunta ka na rito. Malakas ka naman kay Miss P, e---Pierre, sinasabi ko sayo kapag wala ka pa rito within 5 minutes, hindi na ako magpapakasal sayo! Hmp!" Ngumisi siya bago binaba ang tawag. Nagulat ako ng tumingin siya sa gawi ko. Naramdaman siguro niyang kanina ko pa siya pinagmamasdan.

Mahaba, plantsadong itim na buhok, kayumanggi ang kutis, balingkinitan ang katawan, at maladiwata ang kagandahan. Nagniningning ang mga mata niya na para bang tinatago ang kapilyahan. Naging ngiti ang ngisi sa labi niya. Kahit hindi ko alam kung para sakin ay nginitian ko rin siya pabalik.

Napapitlag ako ng makaramdam ng mainit na kamay na humawak sa braso ko. Tinignan ko kung sino at nakita ko ang iritadong mukha ni Anselmo.

"Get in the car."

Ngumuso ako at nagpatiyanod na sa hila niya. Nilingon ko ulit ang babae kanina. Nakita ko siyang halos mapunit ang labi sa ngiti pero hindi na siya nakatingin sakin kung hindi ay sa lalaking parang hinahabol ang buhay habang tumatakbo papunta sa direksyon niya.

Walang nagsasalita samin sa byahe. Nakatingin lang siya sa daan samantalang ako nakatingin sa kanya. Ang kalmado ng mukha kahit na nakakunot ng bahagya ang noo niya. Napangiti ako. Gustong gusto ko ang pinagmamasdan siya. Para bang nawawala lahat ng mga alalahin ko kapag tinitignan ang mukha niya. Mula sa magulong abelyanang buhok niya, kulay abong mga mata na natatakpan ng mahahabang pilik mata, matangos na ilong, at manipis at malambot na labi. Naalala ko na naman ang huling sinabi niya kanina bago ako kinaladkad palayo sa mga kaibigan niya.

"Bakit mo ko tinawag na girlfriend?" Tanong ko nang huminto ang sasakyan. Narinig ko na ang salitang yun. Palaging binabanggit yun ni Manang Maria sa tuwing pinag uusapan nila si Mang Carding. "Ang sabi nila ang ibig sabihin nun ay kasintahan."

Tumingin siya sa gawi ko at kinagat ang labi. "Look. Hindi lang--"

"Hindi look ang pangalan ko. Asha." Paalala ko sa kanya at binigyang diin ang pagbigkas ko ng pangalang binigay niya sakin.

Hinilamos niya ang mukha gamit ang kamay. Bumuntong hininga siya na para bang mahaba habang usapan ang magaganap sa pagitan naming dalawa. "I called you my girlfriend because..." Huminto siya at mariing pumikit bago tumingin ulit sakin. "Hindi lang naman yun ang ibig sabihin nun."

Tinagilid ko ang ulo ko. "May iba pa?"

"Yes."

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon