Bertrand
Tinagilid ko ang ulo ko para makita ko ang ginagawa niya. Ang isang kamay niya ay may hawak na kulay pulang pambomba at abalang hinihipan ang gulong ng bisikleta. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya basta ang alam ko ay kanina pa siya nag kakalikot ng kung anu ano dito sa bodega para bang maayos ang isang lumang bisikleta.
"Gusto mo--" Natigil ako sa sasabihin ko ng itaas niya ang kamay niyang may hawak ng pambomba. Tinago ko ang labi ko at napasimangot. Sabi ko nga. Kahit hindi niya ako lingunin alam ko na kung anong pinapahiwatig niya. Hmp. Tatanungin ko lang naman sana siya kung gusto niya ng tulong.
Magmula kaninang umaga hindi pa ako nakakakumpleto ng sasabihin dahil sa kakaputol niya. Pagdilat pa lang niya ng mata para siyang kikitil ng buhay na tao. Ewan ko ba sa kanya. Kumain naman siya ng gabihan, mukha namang kumpleto rin ang bitamina niya sa katawan, nakakapagtaka kung hindi pa sapat tulog niya kaai halos oras oras naman nakapikit siya, pero sa tuwing natingin siya sakin para na niya akong kakainin. Gutom ba siya o ano? Hindi niya ba alam na walang laman ang mga multo? Hindi ko naman kasi masabi kay Lolo ng madalhan sana siya ng pagkain.
Tumayo nalang ako ng tuwid at pinagmasdan ang likod niya. Tagaktak na siya ng pawis. Basa na ang pantaas niya at nahahalata na ang binabalutan nitong katawan niya. Hindi kaya siya magkasakit?
Nagulat ako ng bigla nalang siyang tumayo at nagtanggal ng damit niya na para bang narinig niya ang sinabi ko. Muntik pang masabit yung kaliwang kamay niyang nakabenda pagtanggal niya. Napalunok ako at agad nag iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit nailang ako bigla. Kahit na nakita ko naman na yung ano... yung katawan niya para pa rin kasing unang beses.
Bumuntong hininga nalang ako at dahan dahang hinarap ulit ang likod niya. Malapad ang likod niya at--napakunot ang noo ko--kapansin pansin ang iilang galos at sugat doon. Saan niya kaya yun nakuha? At ngayong pinagmamasdan ko siya ay napansin ko na parang nahihirapan siyang tumayo.
Napaigtad ako ng pabagsak niyang binitawan ang pinambobomba niya sa gulong. Ano na naman kayang problema nito?
Gamit ang isang kamay, sinubukan niyang pagalawin ang bisikleta. Namangha ako ng makitang maayos at pulido nang umikot ang kaninang nangangalawang na na mga gulong. Woah.
Lumapit ako at inikot ang buong bisikleta, tinitignan ang lahat ng parte nito. Hindi ko akalain na marunong pala siyang magkumpuni ng mga ganito. Paano niya kaya nalaman na may bisikleta rito? Sa pagkakaalala ko dumiretso na siya rito kanina paggising niya. Panay ang puri ko sa gawa niya at hindi ko na napansin na umalis na pala siya. Napatayo ako ng tuwid at hinanap siya. Nasaan na yun?
Pinikit ko ang mga mata ko. Nang minulat ko ito nasa loob na ako ng kwarto. At tama nga ako. Nandito siya at kasalukuyan siyang papasok sa banyo. Napanguso ako at umupo sa sahig. Kailangan kong mag isip kung papaano ko na naman siya kakausapin.
Ilang sandali pa bumukas na ang banyo. Mabilis tinakpan ko ang mga mata ko. Mahirap na baka kung ano na namang makita ko.
Naghintay ako ng mahigit limang minuto bago siya sinilip. Nakaitim na shirt siya na bukas pa ang dalawang butones sa harap at kupas na pantalon, magulo ang buhok at basa pa dahil sa bagong ligo. Napatitig ako sa kanya sa hindi malamang dahilan. Naramdaman naman ata niya kaya napatingin din siya sa gawi ko. Sinalo niya ba lahat ng biyaya ng Diyos at ganito nalang kaperpekto ng mukha niya?
Tinagilid ko ang ulo ko at pinagmasdan pa siya lalo. Ano kayang pakiramdam ng mahawakan siya? Ang lambot siguro ng kutis niya maging yung buhok niya. Pansin ko naman na naghihilom na yung galos sa may taas ng kilay niya. Siguro mga tatlong araw mawawala na yun.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Genç KurguDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...