MGG 13

6.1K 259 122
                                    

Ngiti

Nawala ang tingin ko sa maamong mukha ng katabi ko ng makarinig ako ng mahinang langitngit hudyat na bumukas ang pinto. Naramdaman kong gumalaw si Ruru sa paanan ko mukhang nagising. Papasikat palang ang araw kaya naman nagtaka ako kung bakit bumukas yun na agad din nalang nawala ng pagtingin ko ay nakita ko ang ulo ni Lolo na sumisilip sa loob, sa apo niya. Napangiti ako. Sa mga nasaksihan kong away nila ni Anselmo, isa lang ang sigurado ko. Mahal niya ang apo niya at sa bawat kislap ng mga mata niya alam kong nagsisisi na siya sa mga nagawang kasalanan.

Ngumiti si Lolo ng makita si Anselmo sa sahig at napailing. Bumaba ang tingin ko ng may nahagip ang animo sa paa niya. Kumunot ang noo ko. Ilang sandali pa binalik ko ang tingin sa paanan ko at laking gulat ko ng mapagtantong si Ruru ang nakita kong anino kanina. Ruru! Baka kung saan yun magpunta!

Narinig ko ang pagsara ng pinto at agad akong nagmadali para sundan si Ruru. Hinawakan ko ang mukha ng nakahilig sakin. Agad na dumaloy sa katawan ko ang init mula doon. Napabungisngis ako sa isipang nakaisa na naman ako sa kanya. Wala sa sariling nilapit ko ang mukha ko sa kanya hanggang sa maglapat ang mga pisngi namin. Napabuga ako ng hangin sa gaan ng pakiramdam ng ganito kalapit sa kanya.

Ang init niya talaga. Hihi! Gusto ko siyang lamunin! Hindi naman siguro mawawala si Ruru sa bahay o kaya sa gubat, di ba? Kaya na niya yun! Dito nalang ako.

Kaso bago pa man ako pumikit at namnamin ang kasalukuyan ay nilamon na ako ng konsensya ng marinig ko ang munting tahol mula sa labas ng bahay. Hmp. Labag sa loob kong lumayo sa hawak ko. Dahan dahan kong inalis ang ulo niya sa balikat ko at maingat na ipinatong sa kama. Inayos ko rin ang kumot na nilagay ko kanina sa kanya bago siya muling hinarap. Hinipan ko ang ilong niya at humagikgik ako nang hindi man lang ito gumalaw. Babalikan kita.

NASA taas na ng kalangitan ang araw nang maisipan ni Ruru na bumalik sa bahay. Tumatalon talon pa ako habang magkasalikop ang kamay, masayang inaalala yung nangyari kaninang umaga. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin sa mga palad ko yung init niya. Hihihi! Galing kami sa gubat kung saan naglaro na naman si Ruru sa may bukal. Ewan ko ba sa kanya kung bakit katulad ko ay mahilig rin siya sa mga paru paro gayong lalaki naman siya.

Sinilip ko ang magkalapat na kamay ko. Napangiti ako nang makitang nandun pa rin ang kulay puting paru paro. Naisip ko lang na kung gusto ni Ruru siguradong gusto rin ni Anselmo. Parehas kaya silang lalaki.

Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng makita si Anselmo sa harap ng bahay, nakaitim na pantaas at kulay abong pantalon, kumikinang gawa ng sikat ng araw ang magulong kulay kapeng buhok niya, hawak ang bisikleta. Magkasalubong ang kilay niya at palinga linga sa paligid na para bang may hinahanap. Kakaway na sana ako sa kanya kaso bago pa man niya ako makita sa gilid ay may pumarada nang sasakyan sa harap niya. Malaki ito at kulay itim na may nakasagay na gulong sa likod. Mula sa harap ay bumaba ang isang babaeng may mahabang itim na buhok at dali daling tumakbo papunta kay Anselmo.

"Tin-tin!" Tili niya at maagap na niyakap ang binata. Pumulupot ang mga kamay nito sa leeg ni Anselmo na ikinatigil ko sa paglakad. "Akala ko hindi na kita makikita! Mabuti't bumalik ka! Binalikan mo ko!"

Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nasa kabilang parte ang ulo niya. Ang mukha lang ni Anselmo na bakas ang gulat ang nakikita ko. Pero ilang sandali pa napalitan yun ng seryoso at blankong ekspresyon.

"And who the hell are you?" Malamig na tanong niya tapos ay marahas na ilayo ang babae mula sa kanya na mukhang hindi naman napansin ng dalaga dahil sa malaking ngiti na nakaguhit sa mukha nito.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon