Greatest
I immediately closed my eyes and groaned as I shifted my position to another direction because of the blinding ray of the sun coming from my window. Tamad na kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan at dahan dahang minulat ang mata. I checked the time and it's already ten in the morning. Walang ganang binato ko ang phone sa tabi ko at humarap sa kisame. Nilagay ko ang kanang braso ko sa taas ng mga mata ko and exhaled deeply. What a restless night.
Mula sa natatakpang mga mata ay sinilip ko ang buong paligid ng kwarto. No trace of unusual abnormality. Pumikit muli ako at kumunot ang noo. Where the hell is she? Kagabi ko pa siya hindi nakikit---Why am I even thinking about her? Dapat nga ay maging masaya pa ako dahil sa wakas ay nilubayan na niya ako at magkakaroon na ako ng peace of mind.
Yeah, right.
I went to the bathroom and threw some water in my face. Hinayaan kong tumulo ang tubig sa mukha ko bago tinaas ang tingin sa salamin. Saan naman kaya siya pumunta? Is she gone for real? I recalled what happened yesterday. Hindi ako pwedeng magkamali. I saw it.
Napapikit ako at muling sinabuyan ng tubig ang mukha ko. Have I been too harsh? Pero hindi ba't okay nga dapat ang nangyari nang hindi na siya umaaligid sakin? But damn. Why do I have this nagging feeling everytime I close my eyes and see her face that tells me I did something wrong? I've never been this guilty. Not to anyone even with Dad kapag kailangan niyang pumunta sa university sa kagaguhang kinasangkutan ko o sa matandang kasama ko rito sa bahay kapag sinisigawan ko siya.
Hinablot ko ang tuwalyang nakasabit sa gilid ko at pinunasan ang mukha ko. No. Hindi ko dapat maramdaman ito. What I did is right. Dapat alam niya na hindi ako anghel para tulungan siya at hindi ako magbabait baitan nang dahil sa may problema siya. I have my own problems to solve. Nabuhay siyang mag isa, mawawala rin siyang hindi kinakailangan ang tulong ng iba.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso pababa sa kusina. Hindi ako nakakain ng mabuti kagabi dahil nawalan ako ng gana. Nadatnan ko ang dalawang katulong na nagkukwentuhan habang nakikinig ng radio. Tumikhim ako at sabay silang gulat na napalingon. Mabilis nilang pinatay ang radio at alanganing ngumiti sakin.
"G-good morning, Ser." Bati ng hindi katabaang babaeng kulot ang buhok na hanggang balikat. Tumaas ang kilay ko ng palihim na kinukurot nito ang kasama at bumulong pa na rinig ko naman. "Nena, itanong mo kung anong kailangan."
"Ah, eh... M-may gusto po ba kayong ipagawa, Ser?" Sabi ng kinukurot nito kanina. Nakaayos ang buhok niya sa isang malinis na pusod at nakayuko.
Nilagpasan ko lang sila at dumiretso sa fridge para kumuha ng tubig. Nagsalin ako sa isang baso at uminom. Halatang natatakot sila sakin at hindi na ako magtataka kung bakit. Sanay na ako. Mapasaan man ako pumunta, iba ang tingin sakin ng mga tao. Minsan nanghahalay, madalas natatakot. I'm the king after all. They are obliged to bow before me.
Napalunok sila ng tignan ko sila.
"Prepare me a full course brunch." Tanging sabi ko bago tumalikod na at umalis. Nakita ko pa silang sabay na tumango. Hindi ko alam kung naintindihan ba nila ang sinabi ko o ano.
Nakakailang akbang palang ako ay napahinto ako at nag isip. Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay nilingon ko na ulit sila. "Make it two."
Nanlalaki pa ang mga mata nila sa gulat pero hindi ko na pinansin at tumuloy na sa kwarto ko.
NAKAHANDA na sa harap ko ang mga pagkain pero hindi ko mahanap ang sarili kong sumubo man lang ng isang beses. Let out a frustrated sigh before turning my attention to the window. Mabilis na binalik ko ang tingin sa pagkain at sumubo. I should stop myself from thinking about...nothing.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Novela JuvenilDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...