Future
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya pagpasok ko ng kwarto. Naglaro pa kasi kami ni Ruru sa labas kung saan may malaking pool. Sa tagal ko rito ngayon ko lang nakita. Akala ko nga nong una may tinatago silang bukal sa likod ng bahay nila, e.
Sa halip na sagutin ay nakatuon lang ang atensyon niya sa monitor ng manipis na gadyet sa harap niya. Panay ang tipa nito sa keyboard at mukhang hindi man lang namalayan ang prisensya ko at maging ang sinabi ko.
Kinusot ko ang mga mata ko bago dahan dahan akong lumapit sa kanya at pumwesto sa likod niya. Namutawi agad ang bango niya na nakakahalinang pumikit nalang at damhim ang amoy niya. Mula roon ay sinilip ko ang pinagkakaabalahan niya. Nakabukas ang isang artikulo at maraming nakasulat na hindi ko maintindihan. Tumipa ulit ang mga daliri niya at para bang milagrong gumalaw ang mga letra sa monitor at naging alien ang nakasulat.
Ghosts or spirits, they are almost the same in every textbooks, movies, and superstitions. The real question that arises from the above aforementioned is that if there are ghosts, then why can't people see them or why only few can run across one? According to the writings regarded as sacred by religious groups, a human body is made up of five elements — earth, water, air, sky, and fire.
Mabibigat ang mga matang napatingin ako sa kanya ng mapagtanto kung anong pinagkakaabalahan niya. Hindi ko akalaing makakahanap ako ng taong handang tulungan ako sa paghahanap ko sa sarili ko. At hindi lang pala ako ang nagtatanong sa lahat ng nangyayaring kakaiba sakin, maging siya. Pumungay ang mga mata ko kasabay ng ngiting gumuhit sa mga labi ko. Muli kong tinuon ang atensyon sa binabasa niya.
In a human body the amount of earth is maximum as compared to other elements, which is why a human is perceptible. While in ghosts, the element of air is at its supreme and since it is not possible to see air, ghosts are not visible.
An exception given in the scripture is when the psyche separates from its physical structure that it causes a disorderly collision of elements with identities lost and distinctions blended.
Hindi ko namalayang napapikit na pala ako at kusang bumasag ang ulo ko sa balikat niya--nagising ako. Pagtingin ko sa kanya nakatingin na siya sakin nang nakakunot ang noo.
"What's wrong?"
Tumayo ako ng tuwid at kinusot kusot ang mata ko. Bigla akong nakaramdam ng pagod. "Parang bumibigat yung talukap ng mga mata ko."
Tinitigan niya ako ng ilang segundo na para bang binabasa ang bawat galaw ko bago tumayo at lumapit sakin. Pabagsak na ang mga mata ko kaya naman hindi ko na maanalisa kung anong ginawa niya't parang lumulutang na ako at nililipad sa alapaap.
"Binubuhat mo ba ako? Saan mo ako dadalhin?" Sabi ko habang humihikab, siniksik ko pa lalo ang ulo ko sa mainit na dibdib niya.
Wala akong narinig mula sa kanya hanggang sa maramdaman ko nalang ang maingat at dahan dahang paglapat niya ng katawan ko sa isang malambot na bagay. Nang mapagtantong wala na siya sa tabi ko ay pilit na minulat ko ang mga mata ko para hanapin siya kasabay naman nun ay lumubog ang tabi ko.
Bumungad sakin ang mga matang gusto kong pangarapin, mga matang kaya kong pagmasdan habang bukas. Napangiti ako sa naisip.
"Saan mo nga pala nabuo ang pangalan ko?" Namumungay ang mga matang sabi ko, pinipilit linawin ang tanawing nasa harap ko. "Anong klase siyang tao? Kakilala mo ba siya? Kamag anak?"
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...