MGG 2

7.5K 290 70
                                    

Lady in white

Bakit ba ako nandito? Anong ginagawa ko rito? Ilang araw na ba akong pabalik balik sa lugar na ito? Wala naman akong maisip na dahilan kung bakit nandito ako. Wala naman akong kilala rito. Hindi naman nila ako kinakausap. Ni hindi nga rin nila ako pinapansin.

Nag iisip ka ba? Kung hindi ka ba naman engot e. Paano ka nila makikita?

Napakamot ako sa ulo at napasimangot. Malapit na rin palang hindi gumawa ang utak ko. Ano ba naman yan. Sana naman bago mapundi utak ko maalaala ko naman kung sino ako. Kahit pangalan lang. Kung bakit ba naman kasi wala talaga akong maalala tungkol sa sarili ko.

Alam niyo ba yung bigla nalang nagdilim ang paligid mo pagkatapos paggising mo para bang nabura lahat ng tungkol sayo? Kasi ako hindi ko talaga alam kung anong nangyari sakin. Hindi ko matandaan kung sino ako. Hindi ko alam kung may kakilala ba ako sa mga tao rito. Hindi ko alam kung may nakaraan ba ako. Hindi ko alam kung may mga magulang ba ako. Hinahanap ba nila ako? Paano ako napadpad dito? Kamag anak ko nakatira sa bahay na ito? Anong nangyari sakin?

Ang dami kong tanong pero wala naman akong mahanap na sagot. Ang dami kong gustong malaman pero hindi ko naman alam kung saan uumpisahan.

Walang nakakakita. Walang nakakarinig. Para akong inbisibol sa paningin nila. Kahit anong tawag ko, kahit anong sigaw ko hindi nila ako binibigyan ng pansin. Ganun na ba ako kapangit para isnabin nila o talagang hindi lang nila ako nakikita? Maging ako hindi ko alam kung anong ginagawa ko pa sa mundong ito.

Okay, tama na. Alam ko naman ang totoo. Hindi talaga nila ako nakikita. Hindi naririnig. Sino ba namang makakakita at rinig sa tulad ko?

Isa akong multo.

Kaluluwa.

Hindi kabilang sa mundo.

Anino.

Espirito.

Ang daming gumugulo sa isip ko na maging ako hindi ko na alam kung anong totoo. Kung patay na ako, bakit pa ako nandito? Hindi ba dapat nasa langit na ako? Hindi naman sa malaki ang ulo ko pero ahem pakiramdam ko naman mabait ako. Ano pang ginagawa ko sa mundong ibabaw? Ligaw na kaluluwa ba ako? Hindi ba ako matahimik? Bakit? Ano bang nangyari sakin? Ano bang kinamatay ko?

Ang kaso, sa sitwasyon ko ngayon, imposibleng malaman ko pa ang dahilan.

"Nakahanda na po lahat!"

Nabaling ang atensyon ko sa sumigaw. Galing siya sa kusina pagkatapos ay dirediretsong naglakad sa kinatatayuan ko.

"Ate, naman. Wag mo naman akong daan daanan." Sabi ko sa kanya pero hindi naman ako pinansin.

"May ipag uutos pa po ba kayo?" Sabi niya habang papunta siya kay Lolo na palaging nagbibigay ng alay sakin.

Kung tatanungin niyo ako kung anong alay ang binibigay ni Lolo, mga pagkain at tubig o kaya naman kandila lang naman. Kahit alam kong hindi naman para sakin yun dahil para yun sa asawa niya swerte ko lang talaga na nasasama pa rin ako.

Suminghot ako at napapikit ako sa naamoy.

Naglakad ako papunta sa kusina kung saan may parang masarap na nakahain. Amoy na amoy ko ang bango. Nakakagutom!

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon