Two Deadly Words
Tinignan ang pangalan ng establisimientong nasa harap ko pagkatapos ay binasa ko sa pangalawang pagkakataon ang nakasulat sa papel na hawak ko. Cafe Blanca 1985. Sa baba nito ay nakaprinta ang adres kung saan ito makikita. Mabuti nalang pamilyar ang lugar dahil malapit din ito sa pinapasukan nila Anselmo.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't naisipan kong puntahan ito. Kung ano ito o kung ano mang makikita ko rito, sana hindi ko pagsisihan. Bahala na rin mamaya kung tanungin ako ni Anselmo kung saan ako pumunta. Mamaya nalang ako mag iisip ng rason.
"Ito na nga yun." Bulong ko sa sarili at didiretso na sana sa pinto nang may magsalita sa likod ko.
"Excuse me hindi ka pa ba papasok?" Tanong ng isang babae na kasing aliwalas ng langit ang ngiti. Nakasuot ito ng puting pantaas, itim na pantalon, itim na sapatos at nakapusod ang buhok sa likod. Maamo ang mukha niya, bagay na bagay sa bilugan niyang mga mata at manipis na labi.
Doon ko lang napagtanto. Nanlaki ang mga mata ko. "Nakikita mo ako?"
Mayuming ngumiti siya at tumango. "Oo naman. Hindi maaaring hindi ko makita ang kagandahang ipinagkaloob sayo ng Diyos."
Tinagilid ko ang ulo ko at magtatanong pa sana nang yayain na niya akong pumasok.
"Lika na?" Ngiti niya.
Hindi ko alam kung anong nangyari, kung bakit niya ako nakikita, kung paano niya ako nakakausap. Ngumiti nalang rin ako pabalik at sumunod nalang sa kanya sa kabila ng sunud sunod na tanong sa isip ko.
"What's your order?"
Nabalik ako sa katinuan ng marinig ang malambing na boses niya. "Ha?"
Ngumiti ulit siya. Doon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ni Kuya. "Ako nang bahala. Madalas ako rito. Halos natikman ko na lahat ng drinks nila kaya ako na magrerecommend sayo and it's my treat."
Habang hinihintay namin ang mga binili ay napatitig siya sakin.
"Bakit?"
Pumikit siya at umiling bago ngumiti. "You somehow look familiar."
Magtatanong pa sana ako nang tawagin siya para sa mga binili namin. Pagkatapos niyang ibigay sakin ang binili niya, nagpasalamat ako ng marami sa kanya.
"Sabi nga ni Papa Jesus, 'share you blessings'." Ngiti ulit niya bago nagpaalam na. "Baka kasi kailanganin na ako ng pasyente ko. See you around."
Kumaway ako sa kanya paglabas niya. Doon ko lang naalala na hindi ko pala natanong kung anong pangalan niya. Tinignan ko ang bigay niya. May nakasulat na malaking VM sa bandang gilid at may puso. Napangiti nalang ako sa kabaitan niya.
NAKAUPO lang ako sa gilid naghihintay. Magdadalawang oras na siguro nang maaninagan ko ang mukhang kanina ko pa pinagdarasal. Gulu gulo ang buhok niya habang ang daming bitbit sa gamit sa magkabilang kamay niya.
Kung hindi ako nagkakamali Lora ang pangalan niya. "Lora!"
Gulat na gulat siya pagkakita sakin.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
JugendliteraturDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...