Let's lalala
Hindi mapalis ang ngiti ko habang nakatingin sa magkahawak naming kamay. Pansin ko na unti unting lumalamig ang kamay niya at pahigpit ang hawak niya. Tinignan ko ang mukha niya. Diretso lang ang tingin niya at parang nilalamig nga siya kasi naman namumuti yung mga pisngi niya.
May isang patak ng pawis ang tumulo sa gilid ng mata niya na agad ko namang pinunasan gamit ang hinlalaki ko. Nanigas siya sa ginawa ko na ikinapagtaka ko pero hindi yun dahilan para maalis ang sayang nararamdaman ko. Magmula ngayon ako na ang mag aalaga sayo, Anselmo.
"Ahem."
Binalik ko ang tingin ko sa pamilya ko partikular kay Papa na kumuha ng atensyon namin--ko lang pala.
"Anong sinabi mo, anak?" Kunot noong sabi niya.
"Sabi ko, Pa, Ma, mga kuya, si Anselmo... ang mapapangasawa ko."
Nasamid ni Kuya Fortitude, ang pangatlo sa amin, samantalang nahulog naman ni Kuya Verdad, pang apat, ang chuckie na hawak niya. Hindi ko naman maintindihan ang mga mukha ni Kuya Justice at Kuya True, panganay at pangalawa, na katulad din ng mukha ni Papa. Si Mama naman nasa tabi ni Papa at hinahaplos ang braso niya.
"Chuckie ko yan!" Turo ko sa kanya at pupuntahan na sana siya nang mas humigpit pa ang hawak sakin ni Anselmo. Ngumuso ako nang wala man lang pumansin sakin at nanatili lang silang tahimik maliban kila Ace at Lancelot na nagpipigil ng tawa. Hindi ko napansin na pumasok sila kasama si Tito at sina Dame at Camisole.
"Bunso, hindi ba't ang kwento mo lang sa amin noon ay kaibigan mo siya?" Mahinahon pero madiin na sabi ni Kuya Justice.
Tumango ako.
"Paggising mo, nang tinanong ka namin tungkol sa kanya ang sinabi mo boyfriend mo na siya." Si Kuya True naman ngayon.
Tumango ulit ako.
"Tapos ngayong nagkita kayo fiancee mo na?!" Pasigaw na tanong ni Papa.
Bumalik ang ngiti ko at masayang tumango tango.
"Sir, I can explain--"
"No." Putol ni Papa kay Anselmo at matigas na tinitigan ang magkahawak na kamay namin. "I won't."
Napalis ang ngiti ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. "Pa?"
"Everything's too fast, anak. Ni hindi pa namin siya ganun kilala."
"Pa, palagi siya noon sa hospital. Nakilala niyo na siya at alam kong alam niyo na mabuti siyang tao."
"Yes--No." Huminga si Papa ng malalim na para bang hindi alam kung paano ipapaliwanag sakin. "A day with him is not enough to know if he is a good guy worthy of your hand, my princess."
"Gaano katagal, Pa? Isang linggo, papayagan niyo na kami? Isang b-buwan? S-sige, okay lang." Kahit na hindi.
"Lifetime." Matigas na sabi ni Kuya Justice.
"Kuya naman! E di hindi na kami makakasal nun!" Nguso ko.
"That's the point!" Salo naman ni Kuya True.
BINABASA MO ANG
My Ghost Girlfriend
Teen FictionDustin's sixth sense was opened due to an accident. Against his will, his father decided to take him at his grandfather's ancient house in the middle of the forest to rest and heal. Everything seemed fine not until he saw her. No, she first saw him...