MGG 7

5.7K 268 47
                                    

Okay

"Halika na bilis!" Natatawang sabi ko habang pinapanuod ang gugulong gulong na aso sa lupa. Kanina pa kami naglalakad pauwi ng bahay kaso hindi kami malayo layo dahil sa mukhang gusto pang maglagalag nitong makulit na aso. Kanina ko pa rin tinitignan kung may iba kaming kasama na maaaring naiwaglit siya rito sa kakahuyan pero wala akong makita.

Tinignan ko si ahm Dustin. Napahawak ako sa dibdib ko sa kakaibang init na dala ng pagbanggit ko sa pangalan niya. Nasa may malayo na siya at hindi man lang lumingon samin. Hindi na niya gamit ang bisikleta niya. Sa halip ay naglalakad na lang.

"Arf! Arf!"

Napatingin ulit ako sa asong ngayon ay iikot ikot na sakin. Kagat kagat niya ang sumbrerong napulot namin kanina. Napangiti ako at nalungkot din. Katulad ko siya. Nawawala. Ang kaibahan lang namin ay posibleng naaalala niya kung saan siya nanggaling at kung sino ang nagmamay ari sa kanya. Samantalang ako heto...spiritong hindi makaalala at hindi man lang makahingi ng tulong sa iba.

Umupo ako at binigyan ng malaking ngiti ang asong kakaway kaway ang buntot sa harap ko. Gustuhin ko man lang hawakan at kalungin, hindi ko magawa.

"Saan ka ba kasi galing? Bakit ka nandito?" Tinagilid niya ang ulo niya na para bang iniintindi ang sinasabi ko. "Hmm. Wag ka mag alala. Tutulungan kitang mahanap ang amo mo. Pero sa ngayon kailangan na nating habuhin si manong."

"Arf! Arf!"

Napahagikgik ako sa tinuran niya at tumayo na. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makahabol at hindi mawala sa paningin ko ang aso.

"Ang bilis mo namang maglakad!" Bungad ko sa kanya. Sinamaan lang niya ako ng tingin. Napansin niya ang asong nasa likod namin at napangiwi siya.

"Why the hell is that thing following us? At bakit nasa kanya ang cap ko?!" Galit na tanong niya.

"Siya?" Sabay turo sa kyut na kyut na asong nakatingin din samin. "Sasama siya pauwi sa bahay? Yung sumbrero mo naman nahulog kanina kaya kinuha--kinagat niya."

"What?!" Huminto siya at kulang nalang maging isang linya na ang mga kilay niya. "I told you I don't like that beast! At anong karapatan mo para magdala ng kung anu ano sa hindi mo naman pamamahay?"

"E kawawa naman kasi siya. Hindi naman natin--" Tumalim ang tingin niya. "---ibig kong sabihin ako, ako, hindi ko siya maiwan dito."

"Then you better stay here with that monstrous creature and don't you ever come back." Matigas na sabi niya at tinalikuran na ako.

"Huy grabe ka naman! Hindi naman siya halimaw." Hinabol ko siya. "Tignan mo nga siya, ang balbon oh tapos ang puti puti pa. Parang ang sarap yakapin! Bigyan kaya natin ng pangalan?"

Binalewala ko ang itim na aurang bumabalot na sa kanya. Naku, sana umulan mamaya at baka matuyo lahat ng halaman na madadaan namin.

"Ano kayang maganda? Hmm." Hinawakan ko ang baba ko at nag isip. "Kahoy, gubat, damo, aso... Kaka? Gugu? Dada? Aa? Ano ba yan! Ang pangit naman. Hindi bagay sa kanya. Ano sa tingin?"

Ngumuso ako at tumingala. "Ulap, hangin, langit... Uu? Haha? Lala? Ay! Hindi ko nga pala alam kung lalaki siya o babae." Nilingon ko ang kabuntot samin. "Pakiramdam ko lalaki ka. Tama, tama." Tatango tango pang sabi ko. Kung paano ko nasabi? Malakas lang ang kutob ko.

My Ghost GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon