Two

7.1K 110 3
                                    

"Mag-aaral ako." Deklara ko habang kumakain kami ng umagahan. Narinig ko ang pag-bagsak ng kubyertos. I knew I wouldn't get a nice response. Dapat ay hindi ko na pinaalam. Malaki na ako and I should be in control of my life. 

"Tapos ka nang mag-aral sa New York, diba? Ba't ka pa mag-aaral? Para lang maka-gastos?" Napapikit ako sa sinabi ni daddy. Ayoko mag aksaya ng pera pero gusto ko talagang pag-aralan ang fashion designing. Hindi ko alam kung magkakaroon ako ng oras pero susubukan ko. I wanna focus on building my company, but I will try getting a short course.

"Dy, hindi na ako uulit ng college. Mag-aaral lang ako sa SOFA--" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay pinutol na ako ni mommy.

"School of Fashion and the Arts? Kukuha ka ng degree?" Tumango ako sa sinabi ni mommy kaya tumaas ang kanyang kilay. "Pasa ka ba sa requirements? Anong course ba kinuha mo no'ng college ka?"

Ang sakit. Sobrang sakit na parang sinuntok ang puso ko. Mismo 'yung kurso na kinuha ng kanilang anak ay hindi nila alam. Malamig kong tinignan ang aking pagkain. Kahit sobrang nasasaktan ako, malinaw parin ang tingin ko don. Walang tubig na humaharang sa'king paningin. Simula pa lang, ako na talaga ang matapang. Ako na ang magaling sa pag kontrol ng aking emosyon sa harap ng ibang tao. Lalong-lalo na sa harap ng pamilya ko. Isang beses lang nila ako nakitang umiyak at hindi na iyon mauulit. Hindi man ako ang matalino, maraming naabot, mabait, masipag at masunurin; hindi naman ako ang mahina.

"Interior Design ang natapos ko." Mariin kong sabi at uminom sa'king tubig. I need to calm. Mga magulang ko sila. Hindi ko na kakailanganin ang opinyon nila ngunit gusto ko lang ipaalam. Kahit 'yan man lang ang malaman nila sa mga gagawin ko dito.

"That's good." Tanging sabi ni mommy.

"Wag ka na mag-aral, ikaw na din naman ang magha-handle ng Arden Design. Mahahati lang ang oras mo." Napatingin ako kay daddy. Mas magandang may degree! I can't call myself an interior designer without a degree. Gusto ko sana pag-aralan ang fashion designing pero kailangan ko munang kumuha ng degree sa interior design. Besides i'm still young, 'di ko alam kung bakit against sila sa aking plano.

"Every weekends lang naman po iyon. Pero kung ayaw niyo talaga akong ipakuha ng degree, I'll take short courses then." Pursigido kong sinabi. If they won't let me take a degree in interior designing, they can't stop me from taking short course in fashion designing. Once a week lang ito kaya hindi naman siguro ako mawawalan ng oras sa trabaho.

"Are you crazy or you just wanna annoy us?" Inis na sabi ni mommy. Nanlamig ang aking katawan at hindi ako makapag-salita. Gusto kong magalit pero nilalamon ito ng sakit. Ayokong bitawan ang kaonting respetong meron ako sa kanila.

"Don't worry, hindi ko gagamitin ang pera n'yo. Magtatabraho ako at 'yon ang ipag-aaral ko." Sabi ko ng hindi sila tinitignan.

"Unbelievable..." Nakita kong umiling-iling si mommy sa gilid ng aking mata. Padabog siyang tumayo at umalis. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan makapag-react. My plan won't cause her any problem.

"Wag mong kalimutang kami ang nagpakahirap para sa kompanyang mamanahin mo at pagkukuhanan mo ng pera. Pero mas 'wag mong kalimutang magulang mo kami." Mariing sabi ni daddy. Kinalimutan n'yo nga'ng anak n'yo ako.

Narinig kong tumunog ang kanyang silya at ilang sandali pa ay ako na lang ang natira sa hapag kainan. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pag-kain. 

Matapos kong kumain ay dumiretso na ako sa opisina. Nilibot ko ang tingin ko sa kulay puting office. the walls and floor are white, while the furniture are mostly black. It's very modern and minimalistic. Mayroon itong malaking glass window na kita ang city. Umupo ako sa swivel chair at pinaikot ito ng isang beses. Ayoko sanang mag trabaho sa kompanya namin pero walang mag ha-handle nito. Walang passion sa designing ang mga magulang ko kaya mas pinagtutuunan nila ng pansin ang iba naming negosyo. This company was built for me. Bata palang ako pangarap ko na ang maging designer, interior man o fashion.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon