Thirty-four

3.1K 53 1
                                    

"That was a job well done, Ms. Serano." nalilibang na sabi ni Sam. Umirap ako sa kanya at parehas kaming natawa. Pinasada ko ang tingin ko sa hotel ni Mrs. Serano na ngayon ay nabuhayan na dahil sa mga furniture. Masaya ako na nasiyahan sina mommy sa resulta. Mayroong mga malalaking pangalan din sa business ang pumuri sa aming trabaho.

"Hindi ako nagkamali sa pakikipag-partner sa iyo, Mr. Singson." ngumiti si Sam, ang mga mata ay mas sumingkit. Natigil ang titig ko sa kanyang dimples. Ang dimples na minsan ng nagpa bilis sa tibok ng aking puso. Itong mukhang ito, ito ang mukhang minsan ng naging mundo ko.

"Ehem," sabay kaming napalingon ni Sam ng may tumikhim. Napalunok ako sa seryosong mukha ni Ziki. May iilang hibla ng kanyang buhok ang napupunta sa kanyang noo habang ang mga mata ay nanatili kay Sam. Hindi niya ako nilingon ni saglit.

"Mr. Singson," napatingin ako sa kamay ni Ziki ng ilahad niya iyon, "Congratulations for the success of this project. You did well."

Ngumiti si Sam bago tinanggap ang kamay ni Ziki, "it wouldn't be possible without Arisse."

Peke akong ngumiti ng binaling ni Ziki sa akin ang kanyang tingin. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa, "Of course."

May kumausap kay Sam na businessman kaya naiwan kaming dalawa ni Ziki. Ngumuso ako sa seryoso niyang mukha. Ano ba ang problema nito? Dapat masaya siya kasi success ang project na ito.

"What's with that face?" tumaas ang kilay niya sa aking tanong. Wow! Ok nag-istrikto na siya ngayon, ganun? Mas ngumuso pa ako at lumapit sa kanya hanggang isang hakbang nalang ang layo namin.

"Date?" ngumiti ako ng malaki ngunit hindi iyon tumalab sa kanya.

"I have work." nawala ang aking ngiti at napalitan ng simangot. Wag niyang sabihing galit pa siya sa pagtanggi ko sa kanya nung isang linggo!

"Okay..." nagsimula na akong tumalikod ngunit hindi pa ako naka tatlong hakbang ay naramdaman ko na ang kanyang kamay sa aking braso. Nag-ngiting tagumpay ako.

Hinila niya ako palabas sa hotel, tumitingin sa amin ang mga taong nadadaanan namin ngunit wala lang pakialam si Ziki kaya hindi ko na din inintindi. Hindi ako sigurado kung tama ba itong umalis lang kami bigla. Ni hindi pa ako nakapagpaalam kay mommy na aalis na ako. At hindi ko pa nakakausap lahat ng bisita. Ngunit hindi na ako aangal dahil mas gusto ko ito.

Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at agad akong umupo doon. Umikot siya patungo sa driver's seat na seryoso parin ang mukha. Kahit paglabas namin sa hotel ay seryoso parin siya sa pagda-drive. Ni hindi niya ako nilingon.

"Bakit ang tahimik mo?" kinuha ko ang kanyang cellphone upang magpatugtog ng music.

"Palagi akong tahimik."

Pfft! Palaging tahimik ha? right!

"Anong nagawa ko, babe?" I don't call him using endearments ngunit exemption ngayon kasi mukha siyang galit sa akin. Wala naman akong ginawa a? Dapat ako ang ganyan. Siya pa ata babae sa amin. Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga kaya napangiti ako. Pinipigilan niya ang kanyang sarili.

"Babe why are you being like this..." natatawa kong sabi. Pinatunog ko ang Risk It All bago nilapag ang kanyang cellphone.

"You were staring at him like he is a fucking hollywood star!" natawa na ako sa kanyang outburst. Really? What the? Nag-seselos ba siya? I laughed harder when he snorted.

"Sino?" sabi ko ng nakabawi ako kahit alam na alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"You find it funny? O baka excuse mo lang iyan para hindi ko mahalata! Cover-up, ha?" umirap ako.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon