Ten

3.4K 68 3
                                    

"Ang galing mo palang magluto," sabi ko. No, hindi ko iyan sinasabi dahil sa utang na loob. Totoong masarap siya magluto. Hiniwa ko ang beef steak at tinapunan siya ng ngiti. Namumula ang kanyang tenga kaya natawa ako.

"Yeah okay thanks..." Tumayo siya at lumapit sa couch ko.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-kain. May mga aaprobahan pa akong designs at kakausaping kliyente mamaya.

"Wala ka bang gagawin?" Tanong ko ng matapos na ako sa pag-kain at si Ziki ay naka-upo parin sa couch. Inangat niya ang tingin niya sa akin at tamad na umiling.

Nilinis ko ang kinainan ko at uminom ng tubig. "Bukas ko nalang ibabalik iyong lunchbox mo--"

"Hindi 'yan akin! Kay ate 'yan. Madalas ko siyang dinadalhan ng pagkain noon tuwing di siya nakakapag-breakfast dahil sa work niya!" He explained kahit hindi ako nagtanong. Parang nahihiya siya sa kulay pink na lunchbox, which is cute! I like it. Even though my favorite color's black.

"Okay... Okay... Bukas ko na ibabalik ang lunchbox ng ate mo kasi huhugasan ko pa." Panunuya ko. Pinahiran ko ng tissue ang aking labi.

"You just want to see me again tomorrow..." Nakangiti niyang sabi. Umirap ako at tumayo upang magtungo sa banyo na naka-attached sa'king opisina.

Humarap ako sa sink at kinuha ang aking toothbrush. Iniwan kong nakabukas ang pinto ng banyo dahil nakasanayan ko na iyon at upang makita ko kung ano man ang gagawin ni Ziki sa aking opisina.

Matapos kong mag toothbrush ay yumuko ako upang magmumog. Naramdaman ko ang presensya ni Ziki sa pinto. Nilingon ko siya saglit at nakita ko siyang pa-simpleng tumingin sa pwet ko. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umayos ng tayo. Binaba ko ang aking bandage skirt na bahagyang tumaas. Tumikhim ako.

"I got a call. May aayusin lang ako saglit, balik din ako." Casual niyang sabi na parang hindi ko siya nahuling tumitingin sa aking hita at pwet kanina. Tumango ako at kinuha ang towel na nasa gilid ng sink upang pahiran ang aking bibig.

Hindi ko na siya tinanong kung bakit pa siya babalik rito dahil mukhang nagmamadali siya. Tumango siya bago ako tinalikuran. Bumalik ako sa desk ko at tumingin lang sa kulay pink na lunchbox.

Hindi ko alam saan ako matutulog ngayon. Ayokong umuwi sa bahay. Siguro makikitulog nalang ako kina Bia o sa ibang mga kaibigan ko. Nagkibit ako ng balikat.

Alas sais na at kakatapos ko lang sa pag-aaproba ng mga desinyo. May mga bagong desinyo ring ni-propose ang design team ngunit wala akong ibang maisip kanina sa conference hall kundi si Ziki. Uuwi na ako ngunit hindi pa siya bumabalik. Hindi din siya nagte-text.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng text:

Me:
     'Wag ka na pumunta rito... Uuwi na ako. :)

Nag-send din ako ng mensahe kay Bia na sa kanila ako matutulog. Ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng mensahe kay Ziki na susunduin niya daw ako. Hindi na ako umapila dahil ayoko rin mag commute ng ganitong oras.

Habang hinihintay ko si Ziki ay binisita ko muna ang facebook ni JC. Miss na miss ko na siya. Masyado na akong nagiging busy at hindi ko na siya nakakausap. Panigurado akong miss na din ako ng pinsan kong iyon.

Nag-eenjoy na ako sa pagi-stalk kay JC na walang ibang laman ang timeline kundi shared videos ng tumambad sa akin ang pangalan ni Ziki. Agad kong sinagot ang tawag.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon