"Ziki!!" Sigaw ko ng malasahan ang ketchup sa aking inumin. Rinig ko ang kanyang tawa sa banyo habang ako ay tumakbo sa sink. Ugh! Ang laswa! Agad akong nagmumog upang alisin iyon sa aking bibig.
Kinukulit niya ako kanina na mag fruit shake kami ngunit ayoko dahil anong oras na at pupunta pa kaming trabaho. Kaya niya siguro nilagyan ng ketchup ang tea ko! Hindi ko agad nahalata kasi nasa mug iyon at ang ketchup na ginamit niya ay sa Jollibee kaya hindi malagkit!
"I can't believe your childishness!" Sigaw ko at nagmumog ulit. Narinig ko ang pagsarado ng pinto at ang kanyang tawa sa aking likuran. Hinarap ko siya at tinignan ng masama. I glared at him like he is a serial killer. Ilang taon na siya tapos professional pa and he acts this way?!
Nakaharang ang mesa sa pagitan namin kaya hindi ko siya maabot at kung tatakbuhin ko siguro ay hindi ko rin siya maabutan. Kinuha ko ang tsinelas na suot ko at binato iyon sa kanya ngunit hindi siya natamaan. He stared at my slipper on the floor, amused. Mas lalong nanlisik ang aking mga mata.
"Woah, hi there, matured one." Sabi niya na natatawa. Kumuha ako ng bagong baso at nag-martsa patungo sa fridge. Nagsalin ako ng tubig mula sa pitcher at sinubukang kalmahin ang sarili.
Ang aga niyang kumatok sa aking unit kanina para ipagluto daw ako ng umagahan. Naka corporate attire na siya habang ako ay naka pajama lamang. I admit, he looks dashing on his outfit. Para siyang husband na umuwi sa kanyang wife matapos ang trabaho, it honestly melted my heart.
"Bilisan mo na, anong oras na." Sabi niya, may ngiti parin sa labi. Umirap ako at walang imik na nagtungo sa aking kwarto. I give the 'silent treatment' when someone annoys me and Ziki will go through that today.
Mabilis akong naligo, nag toothbrush, at nagsuot ng maiksing itim na fitted dress, maxi cardigan, at ankle boots. Nilugay ko ang basang buhok ko bago ko kinuha ang bag ko at lumabas na. Nanunuod si Ziki ng spongebob sa sala ng lumabas ako. Hindi ko siya pinansin at naglakad lamang patungong pinto.
Narinig ko ang pag patay sa tv at mga yapak niya sa aking likuran. Hindi ko siya nilingon kahit ng hinawakan niya ang kamay ko. Ni-lock ko ang pinto ng makalabas kami at wala paring imik na naglakad patungong elevator kahit na nababalisa ako sa aming kamay na magkahawak. Siya na ang nagpindot sa button sa elevator.
Ramdam ko ang mga tingin ng mga nakasama namin sa elevator. For sure, they're gawking at Ziki. Nasasama lamang ako sa kanilang tingin dahil sa magkahawak naming mga kamay. I can't blame them tho. Ilang beses ko na bang sinasabi 'to sa sarili ko na he's attractive ngunit hindi parin ako nagsasawang sabihin iyon sa aking sarili. It is the most honest thing in the world.
Aside from his looks, his outgoing personality attracts me. Kahit siguro hindi siya ganyan ka gwapo ay maattract parin ako dahil sa kulay na naibibigay niya sa buhay kong puno ng sakit at lungkot. I thought I liked serious men, I guess I thought wrong. O baka hindi lang talaga natin malalaman kung ano talaga ang gusto natin unless it was presented in front of us.
Hinila niya ako patungo sa kanyang sasakyan at agad inunlocked iyon. Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat. Sumakay ako ng hindi parin nagsasalita. He's not talking to me either! Well, mas mabuti ng ganito. The silence around us is comforting, not awkward.
Binuhay niya ang sasakyan ng makasakay siya sa driver's seat at binuksan agad ang radio. Tumunog ang Love Me Instead by Moira dela Torre. Wow, really??
"Hold me i'm falling... Save me i'm drowning... Baby just maybe... Maybe you can love me instead," sabay niya sa kanta. Pinagpatuloy ko ang hindi pagpansin sa kanya. Pilit kong inaaliw ang aking sarili sa tanawin sa labas ng sasakyan kahit naasiwa ako sa kanyang kamay na sinasayaw ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
RomansaThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |