Eighteen

3K 65 5
                                    

Kabado ako habang inaayos ang aking sarili sa harapan ng salamin. Nakasuot ako ng puting whole dress at black sandals. Mahilig talaga ako sa black and white. Ang aking buhok ay nakatali sa isang ponytail at light lang ang make up ko.

Kabado ako dahil ito rin ang muling pagkikita namin ni mommy simula nung umalis ako ng bahay. Akala ko nga ay hindi na ito matutuloy ngunit wala naman akong natanggap na cancelation na magaganap. Ang golden necklace ko ay binagay ko sa aking golden earings.

Ni-check ko ang mga gamit ko at dumungaw sa aking phone kung nag-text na ba si Samuel. Tanging text lamang ni Bia ang nadoon. Kinukulit niya parin akong kwentuhan siya kung ano nga ba ang meron kami ni Ziki. Tinignan ko ang orasan at nakitang may 30 minutes pa bago sightseeing. Masyado ata akong kinabahan kaya maagang nag-ayos.

Hindi ako mapakali sa kwarto. Pabalik-balik ako sa salamin at laging chini-check ang aking mga gamit. Nasabihan ko na si Sam sa location ng condo ko. Hihintayin niya lang ako sa baba.

Hindi nagtagal ay nag-text na din si Sam na nasa baba na siya. Nagmadali akong lumabas ng unit ko at pumasok sa elevator. Abot-abot ang tahip ng aking dibdib habang naghihintay akong makarating sa ground floor. That's just your mom, Ris! Dapat hindi ako kabahan.

"Kailan ka lumipat?" Tanong agad ni Samuel habang tinitignan ang kabuoan ng building. Nakatayo siya malapit sa kanyang sasakyan, asul ang kanyang polo at pinaresan ng itim na suit. Ang kanyang necktie ay kulay maroon. Wala akong naramdaman ng makita ko siya, hindi gaya noon, ngunit sa tingin ko ay dahil lamang ito sa kabang naghahari sa aking katawan.

"Bago lang," tumango siya at binuksan ang passenger's seat. Kahit ang pagiging gentleman niya ay hindi na nakaapekto sa akin. Umiling ako. Umikot siya sa driver's seat at pinaandar na ang sasakyan.

Walang nagsasalita sa amin sa byahe. Nakatingin lang ako sa labas habang nakikinig ng kanta. Si Sam naman ay seryoso lang sa pagda-drive. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may mensahe ba doon. Nalungkot ako ng wala akong makita.

I don't know why I am acting like this! Hindi ko alam. May hinahanap-hanap ako ngunit hindi ko alam ano. O baka ayaw ko lang pangalanan. It shouldn't be like this.

My plan was final before I came back here in the Philippines. Papalaguin ko ang negosyo and try my luck kay Sam. But when I came here my plan was shattered. It's like a broken puzzle I have to fix again. Hindi ko ni-consider ang ibang possibilities nang nagpaplano pa lang ako. Just like ngayon, ang mafi-feel ni mama kung sakaling swertehin ako at mapapasakin si Sam.

Lumakas ang pintig ng puso ko ng hininto ni Sam ang sasakyan sa harap ng isang hotel. Walang gaanong tao doon dahil sa sarado pa ito. Tinignan muna ako ni Sam bago siya lumabas ng pinto. Hindi ko na siya hinintay at lumabas na din.

Sabay kaming naglakad sa entrance. Kitang-kita ko na ang sopistikadang tayo ni mommy sa likod ng glass door. Pinagbuksan ako ni Sam ng pinto at lahat ng mata ng nasa loob ay tumingin sa amin. Seryoso ang mukha ni mommy habang nakangiti naman ang ibang kasama niyang nakasuot din ng corporate attire. I masked a brave face and smiled at everyone. Your weakness is only a weakness if you let it get to you. And your enemies will use your weakness if you show it to them.

I love my mom and despite everything I know she will always have a special place in my heart. I may not obey her or respect her the way I used to, but I still care for her. She can hurt me as much as she could, I will fight back, but I couldn't stop her. I could only defend myself, not attack.

Nang makalapit kami ay isang makahulugang ngiti ang binitawan ni mommy. It's scary. It's like she has a plan I better watch out.

Ipinakilala kami ni mommy sa mga kasama niya at ipinakilala niya rin ito sa amin. Sila ang engineer, architect, at iba pang malalaking pangalan na kasama ni mommy sa pagpapatayo ng hotel na ito. Inaayos pa daw nila ang top floor kaya andito sila. The architect would also like to show us kung saan ilalagay ang mga furniture para hindi kami malito. I could change it naman daw to any position I desire.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon