Thirty-nine

3.2K 61 9
                                    

"We all have that heartache we thought we would never ever get over with, but the sunlight will always chase the darkness away." tumitig ako kay JC sa aking screen. Hindi siya iyong tipo ng tao na aakalain kong sasabihin ang sinabi niya.

"Honestly? I thought it would ruin me beyond repair, Jax. But I guess you only realize how strong you are when you face your weakness. I've seen a lot of things when I stopped looking at only one thing. Some things became pellucid and i'm being less irrational, which is a good thing. You can use some pain to change for the better."

"That's my girl! Punta ka nalang dito." umirap ako kay JC sa pang-limang beses sa araw na ito.

"Okay nga lang ako."

"Alam mo, pag hindi ko napigilan ang sarili ko ako na ang pupunta diyan. Babasagin ko mukha ng gagong 'yun." kalmado ang boses ni JC ngunit alam kong galit na siya.

Hindi parin tumitigil si Ziki. Hindi ko na alam ano pa ang kailangan niya. Hindi ba siya nakaka-intindi ng tama na? May mga relasyon kasing naayos pa, meron ding hindi na. May mga taong gusto ng tapusin na talaga, at isa ako sa mga 'yon. Sa lahat ng sakit na naranasan ko, sa tingin ko ay tama na. It's time for me to decide and choose the safer way. Tapos na akong masaktan. I've had enough.

Tapos na akong maging pangalawa. I won't let fate decide for me. Love is a beautiful thing, maybe it's just not for me.

"Ano na ang gagawin mo?" tanong ni JC. Agad sumagi sa aking isip ang dapat kong gawin.

"Humanap ng kasagutan upang tuluyan ko ng makalimutan. May mga bagay kasi na hindi mo lubos na mabitawan kasi may kapit ka pa. May mga bagay pa na hindi mo kayang limutin dahil sa mga tanong na paulit-ulit na lumilitaw sa utak mo." I am determined to figure everything out. And there's only one person who can help me. I hope tulungan niya ako.

"Please be detailed, miss." tinaasan niya ako ng kilay.

"Sasabihin ko sa'yo lahat pagkatapos. For now, aalis na ako. Thank you for everything, J. You are the best!" nag kiss ako sa cam at pinutol na ang tawag bago niya pa ako mapilit na sabihin ang aking plano. Tiniklop ko ang laptop ko at tumayo na.

Matapos kong mag-ayos ng kaonti ay lumabas na ako. Nakapag set na ako ng appointment sa kanya. Mamaya pang alas tres ang pagkikita namin ngunit gusto kong makarating doon ng maaga kaya kahit 2:30 palang ay tumulak na ako.

Halos atakihin ako sa puso ng paglabas ko ng condo unit ko ay sumalubong agad saakin si Ziki. Naka-upo siya sa sahig at nakasandal ang ulo sa pader. Suot niya parin ang kanyang damit kagabi. Dito siya natulog? Worry seeped through me, but I stopped myself from reaching over him. I promised myself not to let my emotions control me, again.

Kahit nakapikit siya ay kita parin ang pagod sa kanyang mga mata. Ang dugo sa kanyang labi ay tumuyo na at ang kanyang damit ay marumi. Para lamang siyang nag sho-shoot ng magazine na may theme na 'literally dirty'.

Huminga akong malalim at pinilit ang sarili na umalis doon. Nag-taxi lamang ako patungo sa isang juice bar kung saan kami magkikita. I love the atmosphere here at lalo na ang mga pagkain. I may be a coffee person, pero I love smoothies and anything related to fruits din. Gusto ko rin ang salad. I practically like everything basta pagkain.

Nag-order ako ng potato pizza, raw taco, at strawberry smoothie while waiting. Sa kabilang table ay may isang babae na may hawak na camera at mukhang gumagawa ng vlog. She must be a youtuber. May macbook din sa kanyang table, siguro ay gumagawa ito ng 'a day in my life' video. O baka naman ay gumagawa lang ng review.

Hindi nagtagal ay pumasok sa bar ang isang maputing babae. Agad akong napangiti at tumayo upang salubungin siya. Humalik ako sa kanyang pisngi at inaya na umupo kami. Saktong pag-order niya ay dumating naman ang order ko. Hindi muna ako kumain upang hintayin siya.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon