Matapos kong maligo at magbihis ay bumalik agad ako sa kwarto. Nakahandusay na si Ziki sa aking kama at mukhang mahimbing ang kanyang tulog. Lumapit ako upang ayusin ang comforter. Parang ngayon lang siya nakatulog ng ganito ka himbing ulit.
"AH!" parang nahugot ang hininga ko ng bigla niya akong hinila. Kinulong niya ako sa kanyang mga kamay at dinagan ang kanyang paa saakin. Hindi ko alam kung alin ang mas mabilis, ang pintig ng puso ko o ang hininga ko. Kumurba ang kanyang labi sa isang napakagandang ngiti kahit na napapikit siya. Kagat kagat ko na ang aking labi upang hindi rin mangiti. Er! 'wag ka, Arisse.
"knock knock," mahinang sabi niya sa namamaos na boses. Darn that seductive voice, don't me.
"Who's there?" masungit kong tanong. Dinilaan niya ang kanyang labi kaya napatingin ako dun.
"Kita."
"Kita who?" tanong ko.
"Miss na kita." umirap ako ngunit hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti.
"Ha-ha!" panunuya ko. Tumawa siya ng mahina ngunit agad niyang kinagat ang kanyang labi na parang pinipigilan niyang matawa. Binuka niya ang isang mata niya upang silipin ako kaya inirapan ko siya. Napaka-corny naman ng knock knock niya. Parang tanga lang e. Pero bakit ako napapangiti? Whatever.
"Pakawalan mo ako." seryoso kong sabi. Unti-onting nawala ang saya sa kanyang mukha, kinailangan kong umiwas ng tingin dahil nagi-guilty ako.
"Galit ka pa ba?" malambing niyang sabi. 'Wag, Arisse, wag. Lalong humigpit ang kanyang yakap at siniksik niya ang kanyang ulo sa aking leeg. I think that's his favorite spot.
"Hindi pa tayo nakapag-usap." I stated.
"Mahal kita, Ris. Please! don't doubt me." nakikiliti ako sa bawat pagsalita niya ngunit hindi ko iyon pinahalata. Darn it, go away! May kiliti ako diyan. "Why can't you feel it?"
"Ang akin lang kasi, e hindi mo sinabi sa akin ng mas maaga. Pinagmukha mo kong tanga, Zenniel!" unti-onting bumalik ang galit sa akin, naramdaman kong pinipigilan ako ni Ziki sa panginginig. Umiinit na din ang mukha ko.
"I was afraid." hinalikan niya ang aking leeg kaya napaurong ako. Alam niya ang weakness ko at ginagamit niya ito bilang advantage.
"That's bullshit." tumunog ang kanyang halik sa aking leeg hanggang sa naramdaman ko ng sinisipsip niya ito. "Ziki!"
Pilit ko siyang tinutulak ngunit kinagat niya lang ang leeg ko. Napatili ako sa kanyang ginawa at mas lalo akong nagpumiglas. Darn Villamonte! Stop seducing me while i'm mad!
"I'm really sorry." bumuntong hininga siya bago umalis sa aking leeg. Tinignan ko siya ng masama ngunit binigyan niya lang ako ng malungkot na ekspresyon.
Siguro I should just understand na natakot lang din siyang sabihin iyon, dahil for sure hindi ko siya papatulan. As a twin, iisipin niyang hindi ako tatalo sa dumaan na sa kakambal ko. Ramdam ko naman na mahal ako ni Ziki. Na seryoso siya sa akin. Natatakot lamang ako.
"Binigyan na kita ng time and space. Di ko na kaya, Ris. Tama na 'to. Ayoko ng malayo sa'yo." hinarap niya ang aking mukha upang mahalikan ang aking noo. Kahit pilit kong alisin ang takot sa aking puso ay para parin itong ligaw na damo, bumabalik-balik parin.
Miss ko na rin si Ziki at mahal ko siya. Hindi ko na iyan itatanggi. Pero natatakot na akong sundin ang nararamdaman ko ngayon. Para bang ayoko ng bumalik sa mga panahon na ang sakit sakit na halos di ko kayanin.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala kami, ang tanging naalala ko nalang bago napaidlip ay ang kanyang bulong na, "I'll win you back."
Nagising na lamang ako ng may kumatok sa pinto at sa init na bumabalot sa akin. Pilit akong tumayo ngunit ayaw akong patayuin ni Ziki kaya kinagat ko ang kanyang braso na nakapulupot sa akin. He hissed, but pouted when I glared at him. Agad akong tumayo upang buksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Love Me Instead
Roman d'amourThere are things that are just not for us, but there are people we wish they loved us instead. | tagalog |