Five

4.7K 88 12
                                    

"I'm going." Deklara ko at tumayo na. Nag-angat siya ng tingin sa akin. We kind of talked kaya it's rude if hindi ako magpaalam. Pinahiran niya ng tissue ang bibig niya bago tumayo din.

"Hatid na kita." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Maybe he's just being friendly? Masyado akong nagdududa sa lahat ng bagay. He's being TOO friendly.

"Malapit lang ang building na pinagtatrabahuan ko. Besides, baka anong gawin mo sa akin along the way..." Humalakhak siya at lumapit sa akin upang kunin ang aking bag. Nanlaki ang mga mata ko at inabot ito pabalik ngunit ayaw niyang ibigay. Hindi ko na mapigilan ang pagpula ng aking pisngi. Noong high school pa ako, pangarap ko talaga ang mga ganitong small gestures. I was a hopeless romantic. Was. Okay, maybe still is. Can you blame me? I had no teenage flings because I dedicated myself to Sam.

Pero ang FC niya parin! Hindi ba ito nahihiya? We barely know each other.

"Hey, give it back!" Ayaw niya parin ibigay kahit pinagtitinginan na kami. Ako ang nahihiya! "If you won't give it back I'll call the security."

I tried my hardest to look mad just to conceal the weird feeling in my stomach. Nanatili ang tingin ko sa bag ko na nasa kanya. Nararamdaman ko na ang pag-init ng pisngi ko kaya yumuko ng kaonti. He is super FC! hindi ko kakayanin.

"Go ahead. I'm sure the manager will take care of it, after all he is my friend." Ngumisi siya at mas lalo lang nagwala ang mga demonyo sa tiyan ko. Of course, it wouldn't scare him. What was I thinking?

"Wala ka bang magawa sa buhay mo?" Nag-martsa ako palabas ng Krispy Kreme upang maitago ang aking mukha sa kanya. Tumatawa lang siya sa likuran ko na para bang seeing me annoyed is funny. Tumahimik nalang ako, hindi na din naman siya nagsalita.

"Dito na ako." simpleng sabi ko at nilahad ang aking kamay para sa aking bag. Tinaas niya ang kanyang kilay at tinignan ang entrance ng firm.

"You won't let me in?" umiling ako at pilit na inabot ang bag ko. Sobrang FC. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan. Or more like, siya lang tinitignan nila. I can't blame them! Sa hot ba naman niya ay may hawak siyang bag na pambabae. Bukod pa doon ay para lang siyang ice cream na naglalakad, begging to be licked. Okay, I should stop.

"Hindi pwede," humalukipkip ako at nakita kong ngumuso siya. "Please, yung bag ko."

"Anong posisyon mo?" I wanna answer Dog style to annoy him but I sure as hell na mas matutuwa pa siya kesa sa'kin niyan.

"Yung bag ko." Mariin kong sabi.

"Hatid na kita sa office mo." Ang kulit.

Gusto kong isipin na masamang tao siya ngunit hindi niya naman tinakbo ang bag ko. Isa pa, sa gwapo niyang 'yan. At mukhang mas mayaman pa ata ito sa akin. Kilos at kutis niya palang.

"Zenniel," sabay kaming napalingon sa nag salita. Napatayo ako ng maayos ng makitang si daddy iyon. Agad akong lumapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. Hindi ko alam na bibisita pala siya! Naka-suit pa siya at mukhang galing sa trabaho. Dapat ay ni-text niya muna ako. Ano nalang ang sasabihin niya ng makita akong nasa labas nakikipag-usap sa mala-model na tumalon mula sa billboard na nilalang imbes na magtrabaho.

"Tito," lumapit si Ziki at binigyan ng manly hug. Hindi na ako nagulat. Sa ayos palang ni Ziki ay alam ko ng galing siya sa marangyang pamilya. Maraming connections sila dad at mga kilalang may malalaking pangalan.

The world of rich people is small. Kailangan mo ang connections at kailangan mong i-familiarize lahat, kakampi man o kalaban. Ako lang ata ang hindi pormal na napakilala sa mga family friends nila dad. Well, I am the black sheep of the family, dapat marunong akong lumugar. At ang lugar ko ay wala sa spotlight nila. But not anymore, dahil iilawan ko ang sariling spotlight ko.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon