Seventeen

3K 62 2
                                    

"Tumulong ba talaga ang pinunta mo dito?" sabi ko at inirapan si Ziki na nakatingin lang sa mga pictures ko na itinago ko sa isang box. Polaroids iyon ng mga litrato ko sa New York. Plano ko sana iyong ibitay sa aking wall. Agad kong hinablot ang picture kong naka bikini na kanina pa pala niya tinitignan. Siya naman ang umirap at nagpatuloy sa paghalungkat sa aking mga litrato.

"Sino 'to?" hinarap niya sa akin ang litrato namin ni JC. Nakahalik ako sa pisngi niya, parehas kaming may hawak na can of beer. Nalungkot ako ng maalala ko si JC. Iniwas ko ang aking tingin sa litrato dahil ayaw kong maiyak sa pangungulila. Grabe! With JC, life was wonderful. Full of excitement.

We go to places late at night. Minsan ay nagbabakasyon kami at hindi umuuwi ng isang linggo. Lagi kaming napapagalitan ni tita dahil sumusobra kami sa hinihingi naming panahon ngunit it's all worth it kasi nag-eenjoy kami ng sobra sa aming mga trips. Pinapapili din ako ni JC ng mga babae na dini-date niya. We do weird things together. Uh, miss ko na si JC!

"Ako," tinalikuran ko si Ziki at inayos ang kama ko. Nagkakalat pa si Ziki sa rug ko. Pag iyan hindi niya niligpit, makukutusan ko siya!

"The guy," hindi ko siya pinansin at nag-kunwaring abala sa pag-aayos ng aking mga libro sa shelf. Inaayon ko ang mga ito sa genre. I'm so fond of books, especially fantasy books. I have a huge collection back in New York.

"Boyfriend mo?" Bakit ba curious na curious ito sa buhay ko? Kanina pa siya nagtatatanong ng mga storya sa likod ng mga litrato ko.

"Brother niya ito." Mahinang sabi niya sa sarili niya ng hindi ko siya sinagot at nakita kong tumango-tango siya sabay lagay ng litrato sa gilid, magkahiwalay sa iba pang mga litrato. "Does she have a brother ba?"

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na sa pag-aayos ng aking condo unit. Hinawi ko ang kurtina na nagtatakip sa malaking glass window sa gilid ng aking kama. Overlooking dito ang city at mas mataas ito kaysa sa aking office kaya mas maganda rito. I'm thinking about installing a mini office here, kahit desk lang. Pero kailangan kong pumunta ng firm dahil may mga empleyado ako.

"Gutom ka na?" tanong ni Ziki ng umupo ako sa tabi niya. Sinimulan ko ng ligpitin ang kalat niya. Binabalik ko sa box ang mga pictures na tapos na niyang tignan.

"Busog na busog ako kanina, Ziki." kinuha ko ang litrato kung saan kasama ko ang iiba ko pang kaibigan sa New York. I miss them all. Nasa beach kami at si JC ay nakahawak sa aking bewang habang nakaakbay naman kay, Misa, isa sa mga kaibigan namin. Naka-bikini kaming lahat at ang mga lalaki naman ay naka trunks. Gwapo ang mga kaibigan ko doon ngunit wala akong natipohan. Umabot nga sa puntong inakala ng mga kaibigan ko na lesbian ako dahil wala akong nagugustuhang lalaki.

"Kanina 'yun." tinulungan na ako ni Ziki sa pagliligpit ng mga litrato bago tumayo at lumabas ng kwarto. Sumunod ako sa kanya at naabutan siyang nagpapalit ng pillow cover ng mga couch pillows. Lumapit ako sa mga bulaklak na binili namin na nasa counter. Nilagyan na ni Ziki ng tubig ang flower vase kaya puputulan ko nalang ang bulaklak upang mag-kasya doon. I appreciate his choice of flower shop. Mababango at magaganda ang mga bulaklak.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Bago pa ako makaalis sa puwesto ay naglakad na si Ziki palapit sakin at inabot ang aking cellphone. I murmured a thank you and accepted it.

"Hello," bati ko. Sumandal ako sa counter. Tumalikod na si Ziki at umupo sa couch.

"Arisse, remind lang kita sa sightseeing natin this monday." sabi ni Sam. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko iyon. I almost forgot dahil sa sobrang busy ko sa pag-lipat! Sumilay ang kaba sa aking dibdib.

"Ah yes..."

"Okay lang ba sa iyo ang project na ito? We can back out habang hindi pa tayo naka-pirma." mabilis akong umiling sa sinabi ni Sam.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon