Thirty-six

3.2K 60 6
                                    

Kids, skip the last part. May intimate scene hehe. Slight lamang.
--

Nakatayo lamang ako sa gilid habang sinasauli ni Ziki ang bike. Tinitignan ko ang mga saranggola na pinapalipad ng mga bata. Minsan nalang ako nakakakita ng mga saranggola ngayon. Ipad o ibang gadgets na ang pinagkaka abalahan ng mga bata ngayon.

Nilingon ko si Ziki na naglalakad na palapit sa akin. Sobrang gwapo niya talaga at ibang ang kanyang dating. Siya 'yung tipo ng lalaking malinis manamit at may kutis na makinis na bumagay naman sa kanyang sharp feature. Inabot niya ang aking buhok at inayos iyon habang nakatingin kamang ako sa kanyang mukha. Lumipat ang titig ko sa kanyang labing mapupula. Bumalik sa isipian ko lahat ng halikan namin. Uminit ang pisngi ko.

Nag-iwas ako ng tingin ng sumilay ang ngiti sa kanyang labi, "What are you thinking?"

"Wala, let's go." sabi ko at tumalikod na habang patuloy sa pag-init ang aking mukha.

Kinabukasan ay kinailangan naming umattend ng opening party ng hotel nina mommy. Nilagyan ko ang aking labi ng lipstick bago inayos ang aking buhok. I settled for a neutral look dahil simpleng party lang din naman ito. Tinali ko ang aking buhok sa magulo ngunit stylish ponytail. Kulay maroon ang aking dress at ang istilo nito ay round neck na hanggang mid-thigh.

Tumunog ang cellphone ko at agad iyong sinagot ng makitang si Ziki ang tumatawag. Sabay na kaming pupunta doon dahil parehas naman kaming imbitado at parehas lamang kami ng pupuntahan. Isa pa, wala akong sasakyan.

"I'm outside your unit." salubong niya. Kinuha ko ang clutch ko at naglakad palabas ng kwarto.

"Okay,"

Pagbukas ko ng pinto ay halos mawalan ako ng balanse. There stood the best thing that ever happened to me. Nakangiti si Ziki, ang kanyang kamay ay nasa cellphone habang ang isa ay nasa kanyang bulsa. Naka-suit siya at ang aking dress ay nag-match sa kanyang kulay maroon na tie. Ang kanyang buhok ay naka-comb over. Ramdam ko ang parehas na reaksyon mula sa kanya ng magtama ang aming mata. Kinagat niya ang labi niya kaya nalipat doon ang aking titig. Jesus! Magsisimba na talaga ako every Sunday. Please don't punish me this way, I can barely hold myself together.

Ngumuso siya ng hindi ako magsalita. Isa siyang mangaakit na hindi nagpapahalata! He can make a girl fall into her knees effortlessly. Gustong gusto ko ang itsurang ito. Gusto ko siyang kuhanan ng litrato!

"Let's go before I lose my sanity," sabi niya at nilahad ang braso. Let's do something insane! I mean let's go.

Tinanggap ko ang kanyang braso at sabay kaming naglakad papunta sa elevator. Hindi ko alam kung papaano ako aakto na isang mapagmahal na anak sa harapan ng maraming tao. Pagbaba namin ay tahimik lamang ako papunta sa sasakyan habang si Ziki ay kinikwento sa akin kung sino-sino ang dadalo.

Hindi na ako nagulat na may media na pupunta. Ziki's, after all, one of the most eligible bachelors in the country. And he is single, might I add. Hindi ko alam kung lalayo ba siya sa akin pagdating doon, pero siguro. I should expect the worst. Nagtaka ako kung bakit kami huminto sa harapan ng isang pulang maserati ngunit ng pinatunog niya ito ay na-realize ko na sakanya ito.

"You look stunning," sabi niya bigla. Tinignan ko pa siya upang makita kung pinagti-tripan niya ba ako ngunit seryoso lamang siyang nakatingin sa kalsada.

"Thanks. You don't look bad yourself." No, you look perfect. So fucking perfect, can we just stop the car and make out?

"Don't I get a thank you kiss?" you don't have to ask.

"No."

"It's okay, I have plans." matama ko siyang tinignan ngunit nakangiti lamang siya habang nakatingin sa harapan.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon