Twenty-three

3K 63 10
                                    

Kinabukasan ay nagpupumilit si Ziki na ihatid ako sa trabaho. Gusto na din niyang pumasok sa trabaho. I wanna stop him, but who am I, right? Nakakainis lang talaga. Hindi niya inaalagaan ng maayos ang kanyang sarili. This is a shallow reason to be irritated!

"Why are you so quiet?" tanong niya habang nagda-drive. Nakatingin lamang ako sa mga taong naglalakad, nagmamadali dahil magko-commute pa. Isa sana ako sa kanila. Kailangan ko na ata talagang bumili ng sasakyan para hindi ko na din maistorbo si Ziki. Pero hindi naman ako ang nagsabing sunduin niya ako e.

"Are you mad?" bumuntong hininga ako sa tanong niya. I am not. I'm just concerned. I really hate caring... because when I care, I care too much.

"I'm always quiet, Zik." tinignan ko ang mga shops na nagsisibukasan na. Mas mabuting sa labas nalang ako tumingin dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at hagkan si Ziki. He is such a baby when he is sick. Kagabi ay halos ayaw na niya akong pauwiin. We had a small argument because of that.

"Hindi naman e." inabot niya sa akin ang isang rosas. I closed my eyes at the feeling of something caressing my heart. Tinignan ko iyon bago ko inangat ang tingin sa kanya, nakanguso siya habang nakatingin sa kalsada.

Kinuha ko ang rosas at bumulong ng pasasalamat. "Please, don't be mad at me. You make me wanna kiss you when you are being cold to me. I wanna kiss that closed mouth open--"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagiging bulgar niya at uminit ang pisngi. Tumawa siya sa aking reaksyon kaya sinapak ko na naman siya.

"You really like hurting me!" tawa niya. Inirapan ko siya at binalik ang atensyon sa labas ng sasakyan. Tumigil kami sa isang coffee shop, maaga pa din naman at hindi pa kami nag-bibreakfast. 

Pag pasok namin ay sinalubong kami ng amoy ng kape at baked foods. Nagpapatunog sila ng Banana Pancakes. There are pictures of rock bands and calligraphy's hanging on the wall. There are inspirational quotes at may parang freedom wall din doon. It's very comforting and relaxing. Kung pwede lamang ay dito na ako buong umaga.

Nag-order kami ni Ziki ng hot coffee para sa kanya at iced coffee at slice ng cake naman ang akin. Matapos niyang mag-bayad ay naghanap na kami ng mauupuan.

"Lady, lady, love me 'cause I love to lay here lazy..." sabay ni Ziki sa kanta sabay tingin sa akin.

"Para kang manyak!" tumawa lamang siya at sumandal sa kanyang upuan. Tinaasan niya ako ng kilay habang tumititig sa aking mukha, nag-iwas ako ng tingin.

Truth is, his voice makes me wanna close my eyes. I don't wanna keep blushing in front of him. I should get used to this and control my emotions.

I know Ziki owns chain of restaurants and hotels. Hindi ko lubos na maisip na may panahon pa talaga siyang umupo sa harapan ko at sabayan akong mag-umagahan kahit marami siyang trabaho. Malaki ang hinahawakan niyang responsibilidad yet he is making time for me.

"Why are you always with me? Hindi ba marami kang dapat trabahuin?" I asked purely curious.

"I worked 'til I no longer need to work to earn, Ris. I have people I pay fortunes," tumango ako. He must be really rich. Gusto ko tuloy maging mas successful. Gusto ko siyang pantayan para hindi ako maging isang kahihiyan. Para gustuhin ako ng kanyang pamilya at ng mga taong nakapalibot sa kanya para sa kanya.

Naglakad ang isang dalagang babae upang ihatid ang aming order. She slowly put our food in our table while stealing glances at Ziki.

Dahan-dahan kong hiniwa ang chocolate moist ko. Kahit tinitignan ko pa lamang ay nasasarapan na ako. I'm definitely buying the whole cake!

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon