Thirty-five

3.1K 51 9
                                    

Hinaplos ko ang cover ng album na may desinyong hello kitty. Kagagaling namin ni Ziki sa bahay ng parents ko upang kunin ito at ngayon ay papunta kami sa kanyang opisina. Saglit lang ako sa kanyang opisina dahil magtatrabaho pa ako.

Itinigil ni Ziki ang sasakyan sa harap ng malaking building, hindi ko na makita ang dulo dito sa loob ng sasakyan. Bumaba si Ziki at ganoon din ang ginawa ko. Abala ang mga tao sa paligid habang ang iba ay pumapasok sa building. Sumabay ako kay Ziki papunta sa glass door ng building kung saan nginitian ko ang guard. Ngumuso ako ng hindi ako pinansin ng guard.

Kulay puti ang lobby nila at may matataas na mga halaman na green na green. Ang kanilang walls ay gawa sa marmol. Ang kanilang mga upuan ay kulay maroon at ang lamesa ay kulay brown. Maganda ang inspraktura at halatang kilalang architect at interior designer ang kinuha nila. Kung titignan palang ang mga kagamitan malalaman mo na agad na matibay ang mga ito.

Hinila ako ni Ziki papasok ng elevator. Kaming dalawa lamang ang nasa loob ng elevator habang ang ibang empleyado ay nasa labas naghihintay. Kumunot ang noo ko, "Hindi kayo sasakay?"

Namula ang pisngi ng ilang empleyado habang ang iba naman ay yumuko. Mas lalo akong nagtaka. Sumirado na ang pinto ngunit wala paring kumilos sa kanila. Tinignan ko si Ziki na ngayon ay nakangiti na sa akin. Wala ng mas tataka pa sa akin.

"Bakit hindi sila pumasok?" tanong ko ng tuluyan ng sumarado ang elevator.

"They give privacy whenever i'm with someone," sagot niya. Lumipad ang aking isipan. Whenever i'm with someone. Napansin niya ata ang pag space out ko dahil agad siyang nag-explain, "I meant business partners."

Tumango ako at hindi na nagsalita dahil wala na din naman akong masabi. Naramdaman ko ang kanyang kamay na pinaglalaruan ang aking pinky finger. Hindi ko na iyon pinansin at naghintay na makarating kami sa kanyang floor kahit na malakas ang tibok ng aking puso sa tahimik na paligid. Simple things make my heart beat fast, is this normal?

Tumunog ang elevator at agad na hinawakan ni Ziki ang aking kamay. Hinila niya ako palabas doon. Ni hindi ko na mabati ang babae sa desk dahil sa hila ni Ziki. May iilang empleyado na natigil sa kanilang ginagawa upang tignan kami. Pumula ang pisngi ko sa gulat at kyuryuso nilang titig. Binuksan ni Ziki ang isang pintuan atsaka ako hinila sa loob.

"Hindi ko man lang sila nabati!" sabi ko kay Ziki ng maisarado niya ang kanyang pinto. Nasanay ako na batiin ang aking mga empleyado kaya pakiramdam ko tuloy ngayon ay kulang.

Hindi niya ako pinansin at naglakad patungo sa kanyang telepono. Umupo siya sa kanyang swivel chair habang ako ay sumalampak sa couch niya. Ang kanyang wall ay may malaking canvas na may desinyong abstract. Naglalaro ang iba't ibang kulay doon at iyon lamang kulay maliban sa puting walls at floor, puting couch na may black at grey na unan, at itim na desk. May kaonting kulay sa mga kagamitan sa kanyang mesa, mga folders at iba pa, ngunit ang tanging lively lang talaga sa kanyang opisina ay ang canvas.

"Yes, Mr. Yao... sorry for making you wait..." rinig kong sabi ni Ziki sa telepono. I feel sorry dahil ako pa ata ang dahilan kung bakit siya na late sa pagtawag sa kung sino man ang kanyang katawag. I even demand some time upang mabati ang kanyang mga empleyado. Kinagat ko ang labi ko ng magtama ang titig namin ni Ziki. Seryoso ang kanyang mga mata. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at muling pinasadahan ng tingin ang kanyang office.

May isang nakasirang pinto doon at ang kanyang flatscreen tv naman ay nasa harap ng L-shaped couch na inuupuan ko ngayon. May roon mga itim na sticks na nakalagay sa malaking vase doon upang gawing desinyo. May malaking glass window din sa likod kung saan ay kitang-kita ko ang mga nagtataasang building ng syudad. Naglakad ako papunta doon at nagulat sa taas namin. Nasa 50th plus na palapag ata kami. Ma iilang building na nakikita ko na ang rooftop dahil sa taas namin. Ang mga tao ay maliliit habang mabibilis na naglalakad sa busy na kalye.

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon