Forty

3.5K 62 16
                                    

"Your dad's sick, gusto niyang sa bahay ka muna." hindi ako nakapagsalita. Lahat ng lakas na inipon ko para sa pagtatagpo namin ni mommy ay parang umalis sa aking katawan. Naging blanko ang utak ko habang ang puso ko ay parang pinipiga. He still care for me. He still see me as his daughter. He wants me there with him. He's sick.

Taas-noo si mommy ngunit alam kong gusto ng kumawala ng mga emosyon niya. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya.

"If you don't agree--" pinutol ko na ang sasabihin ni mommy. I am going to do this because I am still their daughter by blood. Kahit anong putol ko sa koneksyon namin, pamilya ko parin sila.

"It's fine with me." kita ko ang gulat sa itsura ni mommy ngunit hindi ko iyon pinansin. Kinuha ko ang aking kubyertos at nagpatuloy na sa pag-kain. Hindi na nagsalita si mommy kaya hindi na din ako nagsalita.

Mayroong tumutugtog ng violin habang ang ibang tao ay nasa harapan upang kumuha ng pagkain sa buffet. Everyone's clueless of how heavy we feel inside right now, everything looks so chill. And I wonder how much do other people's problems weigh. I wonder how many tears do these smiles hide.

We never run out of problems, but we can always conceal them. We have to take some time to relax and forget about everything. If only I still have Ziki, i'd call him for a getaway.

"When are you moving in?" napalingon ako ay mommy ng bigla siyang magsalita. Nangangalahati na ako sa aking pagkain habang ang kanya ay mukhang hindi pa nagagalaw.

"Tonight. Hindi ko dadalhin lahat ng gamit ko. I'm just going to stay for a while." pag-klaro ko. Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon, tila ba wala siyang narinig. Tumango siya at patuloy na kumain.

I wonder if we can still fix this. Our relationship. Ang hirap e, naalala ko lahat. Lahat ng pagpapabayang ginawa nila. 'Yung sampal niyang nag-tulak saakin na umalis. 'Yung mga masasakit niyang salita. Maybe I didn't try to get over it kaya ako nahihirapan.

Wala si Ziki sa labas ng aking condo unit pag-uwi ko. Sa tingin ko ay nagtatrabaho na uli iyon. Madali lamang akong natapos sa pag-eempake dahil kaonti lang din naman ang dinala ko.

Sinundo ako ng driver nila mommy dahil may trabaho pa daw siya. Napaisip ako kung sino ang nagbabantay kay daddy, but then baka nag-hire sila. Mommy should file a leave. Dapat ay inaalagaan niya si daddy. But then again, you cannot expect love and care in this family.

Pagdating ko sa bahay ay wala paring nagbago. Ito parin ang bahay na parang walang tumitira. Walang buhay.

Pinagbuksan ako ng mga kasambahay. Kitang-kita ko ang kyuryudidad sa kanilang mga mata, alam kong nagpipigil lamang silang magtanong. Nginitian ko lamang ang mga bumati sa akin at dumiritso na ako sa kwarto ko upang ilagay ang mga gamit ko. Wala parin itong pinagbago simula ng umalis ako.

Nilakad ko ang distansya ng pintuan patungo sa aking bedside table kung saan ang picture namin ni Denisse ay naka-frame. Hindi ko ito hinawakan, tinignan ko lamang. Magka-akbay kaming dalawa at mahirap makita ang kaibahan namin physically. Ganyan ba tayo kaganda, Den? Na in love talaga ang isang Zenniel Hezekiah Villamonte, pfft. Unbelievable.

Nilagay ko muna ang bag ko malapit sa kama upang tignan si daddy. Hindi ko alam kaya ko ba. Nanghihinayang ako na ngayon pa kami magkakasama kung kailan mahina na siya. Parte sa akin nagsisisi, kung bakit hindi ako mas nagpakatatag. Kung bakit ako sumuko. Kung bakit ko sila sinukuan. Pero paano mo ipaglalaban ang mga taong sumuko na sa'yo?

Tinanong ko sa kasambahay kung asan si daddy at sabi naman nito ay nasa kwarto niya lang kaya dumiritso na ako doon. Maraming pumapasok sa isipan ko habang nakatayo ako sa harap ng pintuan ni daddy. Kaya ko kaya? Miss niya kaya ako?

Love Me InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon